ANO ANG BANAL NA MISA? PART 11: ANG “SUMASAMPALATAYA AKO…”
Tuwing Linggo at mga dakilang kapistahan, matapos ang homiliya, dinadasal ng lahat ang panalanging tinatawag na Kredo o Sumasampalataya Ako. Ito ang nagsisilbing pagsang-ayon at pagtugon sa mga naipahayag ng mga Pagbasa at gayundin sa homiliya o paliwanag ng pari. Mapapansin na ang Kredo ay hind laging bahagi ng Misa lalo na sa mga simpleng araw. Maaari itong alisin sa Misa subalit ang kahalagahan nito ay nananatili. Kailangang maalala ng mga tao ang buod ng kanilang pananampalataya sa gitna ng mga kamaliang dala ng ibang sekta o relihyon. Ito ang dahilan kung bakit nabuo ang panalanging ito. Karaniwang ginagamit ay ang 2 bersyon ng Kredo – ang Kredo ng Nisea (Nicene-Constantinopolitan Creed) at ang Kredo ng mga Apostol (Apostles’ Creed). Napakaganda kung inaawit ang Kredo dahil madamdamin ang nilalaman nito; kaya nga magandang minsan ay pakinggan ang Kredo sa Latin o kaya ay gamitin ito sa Misa. Share on FacebookTweet Total Views: 1,494
Copy and paste this URL into your WordPress site to embed
Copy and paste this code into your site to embed