ANO ANG BANAL NA MISA? PART 12: ANG PANALANGIN NG BAYAN
Ang Panalangin ng Bayan ay isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng pagpapanariwa o reporma ng pagsambang Katoliko. Dito ay ginaganap ng lahat, pari at bayan, ang kanilang maka-paring tungkulin na magdasal para sa buong sangkatauhan. Karaniwang ipinagdadasal ang mga simbahan at mga lider nito, ang lider-gobyerno, ang kaligtasan ng daigdig, ang mga naghihirap at nagdurusa, at ang lokal na pamayanang sumasamba. Ang Panalangin ng Bayan ay tinatawag ding Panalanging Pangkalahatan (universal prayer) dahil ito ang pagkakataong ipagdasal ang mga pangangailangan ng buong daigdig. Dahil sa dasal na ito, nakakarating ang ating isip sa mga lugar kung saan may mga sakuna, digmaan, krisis at iba pang kalamidad o pangangailangan. Kahit ang pinakamaliit na bisita o kapilya at parokya ay kayang magdasal para sa lahat ng mamamayan sa anumang dako ng daigdig. Dito din ay hindi nakakalimutan ang mga pansariling panalangin ng bawat isa na nagsisimba, kaya nagiging tunay na madamdamin at makabuluhan ang bahaging ito ng Misa para sa lahat. Share on FacebookTweet Total Views: 1,571
Copy and paste this URL into your WordPress site to embed
Copy and paste this code into your site to embed