ANO ANG BANAL NA MISA? PART 25: ANG SALAYSAY NG HULING HAPUNAN
Apat ang pinanggagalingan ng ating salaysay ng Huling Hapunan at ng Pagtatatag ng Sakramento ng Eukaristiya: isa mula kay San Pablo, 1 Cor 11: 23-25 at tatlo sa mga ebanghelyo: Mt. 26: 26-38, Mk 14: 22-24, at Lk 22: 19-20. Ang mula kay Pablo at Lukas, na maganda ang paggamit ng Griyego, ay tila kumakatawan sa Simbahan ng Antioquia at ang kay Mateo at Marcos naman, na lumulutang ang impluwensyang Hudyo, ay kumakatawan sa tradisyon sa Simbahan ng Palestina. Bawat isa sa kanila ay naglalaman ng mga sangkap na napakalapit sa orihinal na mga salita at kilos ng Panginoong Hesukristo. Nanirahan si Pablo sa Corinto noong taong 50-52. Dito niya nakuha ang isang mas matanda pang tradisyon ukol sa Huling Hapunan (1 Cor 11:23). Maaaring ang tradisyong binabanggit niya ay mula pa sa mga unang taon ng Kristiyanismo (taong 40). Share on FacebookTweet Total Views: 1,403
Copy and paste this URL into your WordPress site to embed
Copy and paste this code into your site to embed