ANO ANG BANAL NA MISA? PART 26: ANG PAGTATAAS O PAGPAPAKITA NG KATAWAN AT DUGO NI KRISTO
Bandang simula ng ika-13 siglo nang umpisahan ang kaugalian ng pagtataas o pagpapakita ng Katawan ni Kristo matapos ang konsegrasyon at katapusan naman ng siglong ito nang gayundin ang gawin sa kalis na naglalaman ng Dugo. Noong panahong iyon kung kalian bihira ang pagtanggap ng Komunyon ng mga tao, naniniwala ang mga tao na ang pagtingin sa itinataas na Katawan at Dugo ni Kristo ay panlaban sa dagliang kamatayan o tulong laban sa sunog. At kapag hindi makita ng mga tao ang ginagawa ng mga pari, lalo pa silang sumisigaw na itaas pa nang mas mataas upang masilip o mapagmasdan nila ang Eukaristiya. Mabuti na lamang at hindi na ganito ang pag-iisip ng mga tao ngayon. Sa panahon natin, ang pagkakataong ito ay ang mabuting sandali upang ipahayag sa Panginoong Hesukristo ang ating pagsamba sa tahimik na pagbulong o pagsasa-isip ng “Panginoon ko at Diyos ko!” Share on FacebookTweet Total Views: 1,409
Copy and paste this URL into your WordPress site to embed
Copy and paste this code into your site to embed