ANO ANG BANAL NA MISA? PART 29: MGA PAGSAMO / ALALAHANIN MO…
Nakakagulat na sa bahaging ito ng Misa, may mga bagong panalangin ng bayan (mga kahilingan) matapos ang konsegrasyon at epiclesis ng pamayanan. Ito ay bilang pagsunod sa balangkas ng panalangin ng mga Hudyo: pasasalamat at pagsamo o kahilingan. Kaya ang Panalanging Eukaristiko ay ang panalangin ng mga Hudyo na kung saan naka-sento ang salaysay ng Huling Hapunan na may kasamang epiclesis at anamnesis (pagsamo sa Espiritu Santo at pag-alaala). Ngayon, ipinagdarasal ang simbahan: ang Santo Papa, mga obispo at pari, mga diyakono, at lahat ng bayan ng Diyos, ang mga naunang yumao, ang pamayanang nagdiriwang kasama ng Mahal na Birheng Maria at ni San Jose at ng mga banal sa kalangitan. Ang simbahan na pagkakaisa sa pasasalamat ay pagkakaisa din sa pagsamo o kahilingan sa Diyos. Sa ganitong paraan, tinutularan ang panalangin ni Hesus. Kung paanong ang kanyang papuri sa Ama ay pagsamo din para sa kanyang mga kapatid, ang simbahan ay nagpupuri kay Kristo at sa pamamagitan nito ay sumasamo din para sa buong sanlibutan. Share on FacebookTweet Total Views: 1,404
Copy and paste this URL into your WordPress site to embed
Copy and paste this code into your site to embed