ANO ANG BANAL NA MISA? PART 35: ANG PAGHAHATI NG TINAPAY
Ginawa ng Panginoong Hesukristo ang paghahati ng tinapay sa Huling Hapunan. At noong unang panahon, ang Misa ay tinawag ding “ang paghahati-hati ng tinapay.” Nasa aral ito ni San Pablo sa 1 Cor 10: 16-17, na ang tinapay na hinahati ay ang pagkakaisa sa Katawan ni Kristo. Noong una, matagal ang bahaging ito dahil kailangang hatiin ang tinapay para sa lahat ng taong nagsisimba. Subalit nang inihanda na ang mga ostiya bago pa ang Misa at hiwa-hiwalay na ito, hindi na matagal ng ritong ito. Dahil ang hinahati na lamang ngayon ay ang Tinapay ng pari, halos hindi masyadong umaani ng pansin ang ritwal na ito ng paghahati ng tinapay. Share on FacebookTweet Total Views: 1,395
Copy and paste this URL into your WordPress site to embed
Copy and paste this code into your site to embed