ANO ANG BANAL NA MISA? PART 42: HULING PAGBABASBAS

Tulad ng Panginoong Hesukristo na nagbasbas sa kanyang mga alagad bago siya bumalik sa langit, ang mga tao, bago bumalik sa kani-kanilang pangkaraniwang buhay, ay tumatanggap ng pagbabasbas. Ginagawa na ito sa Herusalem at sa Roma noong unang panahon. Paalala ito na ang pari ay hindi panginoon ng mga tao kundi lingkod na nagdadala ng pagpapala ng Panginoon sa pamamagitan ng tanda ng Krus ni Kristo. Hindi siya ang nagbabasbas kundi ang Diyos. “Pagpalain nawa kayo ng Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo.” Share on FacebookTweet Total Views: 1,307