ANO ANG BANAL NA MISA? PART 43: ANG PAGHAYO / GO IN PEACE

Sa Silangan ang paghayo ay gumagamit ng iba’t-ibang paraan: “Humayo sa kapayapaan,” “Humayo tayo sa kapayapaan,” o “Humayo tayo sa kapayapaan ni Kristo.” At tumutugon ang mga tao: “Sa pangalan ng Panginoon.” Sa Roma, mas praktikal ang mga tao. Ang pormula sa Latin ay “Ite, missa est.” Ibig sabihin nito: “Humayo kayo, ito na ang uwian,” para bang “Humayo at tapos na” o “Humayo, tapos na ang pagtitipon.” Sa Ingles, “The Mass is ended. Go in peace.” At minsan “Go in peace to love and serve the Lord.” Sa Tagalog, karaniwang gamit ay: “Tapos na ang Misa; humayo kayong mapayapa.” Hinahalikan ng pari ang altar sa huling pagkakataon bilang paggalang. Sa Antioquia, sinasabi ng pari: Manatili ka sa kapayapaan, banal na altar ng Panginoon. Hindi ko nalalaman kung makababalik pa ako sa iyo. Itulot nawa ng Panginoon na magtagpo tayo sa kalipunan ng mga panganay na anak sa kalangitan; sa tipan na ito, nagtitiwala ako. Manatili ka sa kapayapaan, altar ng kabanalan at ng sakripisyo…” Share on FacebookTweet Total Views: 1,292