SAINTS OF JANUARY: KABANAL-BANALANG NGALAN NI HESUS (Enero 3)
KABANAL-BANALANG NGALAN NI HESUS KUWENTO Bagamat ang pistang ito ay tumutukoy sa pangalan ng Panginoong Hesukristo at hindi tungkol sa sinumang banal na tagasunod niya, ito ay naitalagang ipagdiwang sa hanay ng mga liturhikal na pag-alala. Bago pa isilang ay ipinahayag na ng anghel Gabriel kay Maria (Lk 1:31) at maging kay San Jose (Mt 1: 21) ang dakilang pangalan ng Anak ng Diyos na nagkatawang-tao – Hesus (ang Diyos ang nagliligtas). Kahit pa sa Bagong Tipan si San Pablo ang nagpahayag ng “Banal na Pangalan ni Hesus” bilang kaloob ng Ama upang maging “pangalang higit sa lahat ng pangalan” (Filipos 2:9), ang debosyon sa Banal na Pangalan ay naging tanyag sa turo ng mga monghe at monghang Cistercian noon pa mang ika-12 siglo at lalo na sa mga pangangaral si San Bernardino ng Siena, isang Pransiskano noong ika-15 siglo. Ang Pangalang ito ang pinangalat ni San Bernardino upang magtagumpay laban sa mapait at madugong mga alitan at mga tunggalian ng mga tao mula sa iba’t-ibang antas, pamilya at grupo sa mga lungsod ng Italya. Lumago ang debosyon, dahil na din sa mga pari at misyonerong Pransiskano at mga Dominikano. Higit pa itong natanyag sa pagsusumikap ng mga misyonerong Heswita sa ika-16 na siglo. Noong 1530, pinagtibay ni Papa Clemente V ang Panalangin ng Banal na Pangalan para sa mga Pransiskano. Noong 1721, ang kapistahang ito ay itinatag sa buong simbahan ni Papa Inocente XIII. HAMON SA BUHAY Namatay at muling nabuhay si Hesus para sa lahat ng tao. Walang nagmamay-ari ng karapatan para sa paggamit ng kanyang pangalan. Siya ang Anak ng Diyos at Anak ni Maria. Lahat ng umiiral ay nalikha sa pamamagitan niya at alang-alang sa kanya (Col 1; 15-20). Ang ngalan ni Hesus ay nalalapastangan kapag ginagamit sa kawalang-kahulugan o sa pagmamaliit ng kapwa tao. Si Hesus ay ating kapatid at dapat tayong magmahalan dahil sa kanyang pangalan. (mula sa panulat ni Fr. RMarcos, sa ourparishpriest website) Share on FacebookTweet Total Views: 140
Copy and paste this URL into your WordPress site to embed
Copy and paste this code into your site to embed