PANALANGIN PARA KAY POPE LEO XIV
Panginoong Hesus, Dakila at Punong Pari ng aming pananampalataya, idinadalangin namin sa iyo ang iyong lingkod na si Pope Leo sa karamdamang kinakaharap niya ngayon. Ipadala mo po sa kanya ang Espiritu Santo upang palakasin siya, kalingain, at bigyan ng matibay na kalooban. Buksan mo po ang kanyang puso sa iyong presensyang nagdadala ng pagmamahal at kapayayaan. Nawa anumang paghihirap na dinadanas niya sa isip man o sa katawan ay magdala sa kanya ng biyayang mabuhay sa pagtitiyaga at pag-asa sa iyong tulong at kalinga.
Diyos Espiritu Santo, ibuhos mo po ang iyong kapangyarihang nagpapagaling at alalayan si Pope Leo sa lahat ng sandali, upang patuloy siyang maging ilaw at gabay ng mga taong kanyang inaakay tungo sa iyong Kaharian. Amen.