Ngayong Linggo, sa Ebanghelyo, pumasok si Hesus sa bahay ni Zaccheo na isang makasalanan at iniiwasan ng kanyang kapwa tao.
Ano ang kahulugan kapag “pumasok” si Hesus sa tahanan ng isang tao.
Una, kitang kita natin ang pananabik ng Diyos sa pagpasok na ito ni Hesus.Plano niya ang pagdalaw na ito.Gusto niyang gawin ang bagay na nakakagulat sa isang taong hindi nag aakala. Siguro inaasahan ni Zaccheo na tiyak kagagalitan siya ng Panginoon, sesermunan, sisitahin.Pero hindi, eto at pumapasok na siya sa kanyang bahay.Anong kaligayahan!Anong laking biyaya!
Ikalawa, ang tahanan ay larawan lamang ng lalong mahalagang tahanan na nais pasukin ni Hesus – ang tahanan ng puso ng tao.Naparito si Hesus kay Zaccheo upang makilala siyang lubos, makipag-kaibigan at buksan ang pintuan ng puso ni Zaccheo para asamin ang isang bagong buhay kasama ang Diyos.
Tagumpay si Hesus. Sa tuwa ni Zaccheo, ipamimigay niya ang kanyang kayamanan.Ibabalik niya ang kanyang nakulimbat.Magbabago na siya mula ngayon!
Sana hayaan nating pumasok si Hesus sa tahanan natin,sa puso natin ngayon. At tulad ni Zaccheo, maranasan nating magsimula na ang ating kaligtasan.
Madalas na nating marinig na walang paborito ang Diyos. At ang Mabuting Balita ngayon ay patunay dito. Sa talinghaga, sinabi ng Panginong Hesus na lahat ng tauhan ay nakatanggap ng salapi… subalit ayon sa…
We have often heard that our God plays no favorites. And the Gospel today stands as a proof and testimony. In the parable of the Lord Jesus, all the servants receive a talent… but…
Maraming pagkakakatulad ang sampung babae sa talinghaga ngayon. Lahat sila ay dalaga. Lahat ay naanyayahan sa kasalan. Kapwang may dala silang ilawan. Sama-sama ding nakatulog sa paghihintay sa lalaking ikakasal. Parang isang section ito…
Read more 2 min read
Need a prayer?
a prayer request
Let us pray for you.
For yourself, a loved one, or someone who is sick or has passed. Father will remember it in prayer and at Mass.
Your prayer request has been sent.
Father will remember your intention in prayer and at Mass.