Ano ang masama kung nais ng isang taong kunin ang bahagi ng pamana mula sa kanyang kapatid? Gusto lang naman niyang pakinabangan ang iniwan ng kanyang mga magulang para sa kanya.
Ano ang masama sa taong nagbuo ng mas malaking kamalig para sa mga ani niya? Gusto lang naman niyang huwag masayang ang mga ito at makasiguro sa kanyang kinabukasan.
Sa mabuting balita ngayon (Lk 12: 13-21), nasilip ng Panginoon Hesus ang isang bagay mula sa dalawang taong ito – ang bahid ng katakawan o pagka-gahaman. Hindi lang mana ang nais ng unang tao, nais din niya ang mas malaking mana. Hindi lang malaking kamalig ang nais ng ikalawa, nais niyang mahiga sa yaman at ginhawa niya.
Ang katakawan o pagka-gahaman ang attitude na bumubulag sa atin upang makita lamang natin ang ating sarili at hindi ang ibang tao. Maraming tao na ang gahaman sa pera, sa ari-arian, at sa kapangyarihan. Ang pagka-gahaman ang nagdadala sa kanilang balewalain ang kapwa. Ang katakawan ang nagtutulak sa kanilang makita ang ligaya hindi sa Diyos kundi sa mga materyal at makamundong kayamanan lamang.
Mayroong gamot sa katakawan o pagka-gahaman at ito ang ipinakita ni Hesus sa atin. Ito ay ang malasakit sa kapwa. Si Hesus, Anak ng Diyos, ay may karapatan sa lahat ng kapangyarihan at luwalhati sa mundo at sa langit man. Pero bilang isang tao, ang buhay niya ay uminog sa paglilingkod at presensya sa kapwa, pagmamahal at sakripisyo para sa iba. Dahil may malasakit siya, dumaloy din ang pag-aalala, kawanggawa, pagbibigay at kabutihan mula sa puso ng Panginoong Hesukristo.
Salamat, Panginoon, dahil sa babala mong dala laban sa katakawan o pagka-gahaman. Sa lahat ng bagay, matularan ka nawa namin na hindi tumututok sa sarili lamang kundi isaalang-alang ang kabutihan ng iba sa aming mga pang-araw araw na alalahanin at pinagkakaabalahan. Amen.
Sa puso ng katuruang Kristiyano ay ang paniniwala sa muling pagbabalik ng Panginoong Hesukristo, sa panahong siya lamang ang nakaaalam. Pagbabalik niya, hindi ito paglalahad ng kapangyarihan. Sa halip, isang malalim na pagninilay sa…
At the core of our Christian faith is the belief that our Lord Jesus Christ will come again, at a time known only to him. When he comes, it will not simply be a…
Madalas na nating marinig na walang paborito ang Diyos. At ang Mabuting Balita ngayon ay patunay dito. Sa talinghaga, sinabi ng Panginong Hesus na lahat ng tauhan ay nakatanggap ng salapi… subalit ayon sa…
Read more 2 min read
Need a prayer?
a prayer request
Let us pray for you.
For yourself, a loved one, or someone who is sick or has passed. Father will remember it in prayer and at Mass.
Your prayer request has been sent.
Father will remember your intention in prayer and at Mass.