PANALANGIN SA JUBILEE OF HOPE 2025
MGA MANLALAKBAY SA PAG-ASA
Amang makalangit,
nawa ang pananampalatayang kaloob mo sa amin
sa iyong Anak na si Hesukristong aming kapatid,
at ang alab ng pag-ibig na pinapagningas
ng Espiritu Santo sa aming mga puso,
ay gumising sa banal na pag-asa namin
para sa pagdating ng iyong Kaharian.
Nawa’y panibaguhin kami ng iyong biyaya
upang maging mga masisipag na tagahasik ng mga binhi ng Mabuting Balita.
Ang mga binhing ito nawa ang magpanibago sa buong sangkatauhan at sangnilikha
sa tiyak na pag-aasam
sa isang bagong langit at bagong lupa,
kung saan, ang kapangyarihan ng kasamaan ay malulupig,
at ang iyong kaluwalhatian ang siyang magniningning na walang humpay.
Nawa ang biyaya nitong jubileo
ang gumising sa aming mga Manlalakbay sa Pag-asa,
ng mithiin para sa mga kayamanan ng langit.
Nawa ang biyaya ding ito ang siyang magpalaganap
ng kagalakan at kapayapaan ng aming Manunubos
Sa buong sangkalupaan.
Sa iyo O aming Diyos, na lubhang banal,
Ang luwalhati at papuri magpakaylanman.
Amen. (Pope Francis)
(sariling salin ng ourparishpriest website)