Home » Blog » REST IN PEACE, POPE FRANCIS

REST IN PEACE, POPE FRANCIS

Manalangin tayo para sa kaluluwa ng ating mahal na Santo Papa, Pope Francis (1936-2025):

Panginoon, tanggapin mo po sa Iyong kaharian si Pope Francis, na Iyong lingkod na tinawag mula sa daigdig na ito. Pawiin mo po ang kanyang mga kasalanan; basbasan mo siya ng liwanag at kapayapaan sa iyong piling; at buhayin mo siya sa walang hanggang ligaya kasama ng mga banal sa kaluwalhatian ng Iyong kaharian. Salamat po sa mga taon ng kanyang paglilingkod sa daigdig bilang Kinatawan ni Kristo at Kahalili ni San Pedro na matapat niyang isinakatuparan. Sa ngalan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

photo: thanks to Vatican News