PAGSUGPO SA PAULIT-ULIT NA KASALANAN AYON SA MGA SANTO
Una, pag-aralan ang iyong kasalanan. Malaking tulong ang ginawa ni San Ignacio de Loyola sa pagbibigay sa atin ng tinatawag na examen o pagsusuri ng kamulatan. Pumili ng isang kasalanang madalas mong gawin, pansinin kung saan ito nag-uugat, ano ang nagaganap bago dumating ito, ano ang iyong iniisip, saan ka pumupunta, sino ang iyong kasama. At tandaan ang bawat pagbagsak mo at pati ang mga pagtatagumpay mo laban sa kasalanang ito. Pag-aralan ang daloy o “pattern” nito; hindi natin matatalo ang isang kaaway na hindi natin pinag-aralang mabuti.
Ikalawa, puksain ang mga pagkakataong pinag-uugatan ng kasalanan. Ayon kay San Afonso Ligouri, ang paulit-ulit na kasalanan ay may ugat na pinanggagalingan at dapat was akin ang ugat na ito. Kung ang ugat ay isang pagkakaibigang hindi tama, magbago ng kaibigan. Kung lugar, website, kuwentuhan, o nakagawiang kilos ang nagbubukas ng pinto dito, mainam na isara ang pinto.
Ikatlo, alamin ang pagkakaiba ng tukso at ng pagsang-ayon sa tukso. Sinabi ni San Francisco de Sales na ang unang kilos ng tukso sa puso o isip ay hindi pa kasalanan. Maaaring may pumasok na kaisipan, o damdamin ng pagnanasa, o larawan na nagpapasaya ng imahinasyon; ganoon ang simula. Pagkatapos, saka darating ang kritikal na sandali.
Pananatiliin mo ba ito? Matutong tumanggi agad sa tukso. Ituon ang pansin sa ibang bagay, tumawag sa Panginoon at magdasal, gumawa ng kabaligtarang kilos na iniaalay ng tukso. Habang pinapatulan ang tukso, lalong nagiging mahirap ang labanan.
Ika-apat, laging bumaling sa Panginoon hanggang mawala ang nakagawiang masamang bagay o kilos. Payo ni Santa Teresa de Avila na manatiling masugid sa panalangin. Hindi ka babagsak sa kasalanan. Magkumpisal sa pari. Kahit bumagsak man at magkasala, tumayo at magsimula muli. Huwag sukatin ang biyaya ng Diyos batay sa gaano kabilis maglaho ang labanann dahil maglaho man ay babalik din ito sa ibang pagkakataon. Sukatin ang sariling katapatan batay sa bilis mong sanggain at labanan ang tukso. Ang mga santo at santa ay nakipagpuno sa kasalanan na may taglay na karunungan.
Alamin ang daloy ng tukso, alisin ang balakid, tumanggi agad-agad, at huwag titigil manalangin sa Panginoong Hesukristo,
salamat sa “Catholic and Proud” FB.