Our Parish Priest
Gospel Reflections

Unang Linggo ng Adbiyento B

Nagitla o Nabigla? · Mk. 13: 33-37

English Read in English: First Sunday of Advent B

MENSAHE

Ilang buwan lang ang nakalilipas nang ang isang pari ay nangangaral tungkol sa kahandaan sa kamatayan. Lingid sa kanya, biglang nakalas ang malaking krus sa altar sa likuran niya at bumagsak sa kanyang ulo, sanhi ng kanyang pagkamatay sa altar. Hindi niya alam na ito na ang huli niyang Misa. Hindi niya batid na ang mensahe pala niya ay para sa kanya mismo. Hindi niya alam na ang Krus na nagdala kay Hesus sa Pagkabuhay ang magdadala din sa kanya sa buhay na walang hanggan.

SInasabi ng Panginoong Hesus sa atin sa Mabuting Balita ngayon na maraming nagaganap sa buhay na hindi inaasahan. Ang pagiging alisto natin ang magsasabi kung talaga bang handa tayo sa mga ito. Dumating Panginoon sa kasaysayan; pumaparito siya sa kahiwagaan; at babalik siyang muli sa kaluwalhatian… lahat ng ito, sa paraang hindi naka-anunsyo, hindi inaasahan, hindi maingay; darating siya sa paraang nais niya.

Tulad dati, ang pagdating ng Panginoon, sa kasalukuyan at kinabukasan, ay sasalubungin sa iba’t-ibang paraan. Ang ilan sa atin ay magigitla, magugulat, o mapupuno ng takot, pangamba, at panghihinayang. Dahil tio sa kanilang puso na hindi handa sa pakikipagtagpo na nais ng Panginoon. Bukas ang kanyang puso, samantalang ang puso nila ay masikip at magulo pa. At ang iba naman ay mabibigla, hindi magugulantang, kundi puno ng galak at pag-asa sa dumating nilang minamahal. Ang puso ng Panginoon ay sabik sa tagpuan, at ang kanilang puso namay ay bukas at sumasalubong. Kapag nabigla, tayo ay napupuno ng pananabik at lakas, hindi natin maiwasang matuwa, at napupuno tayo ng pasasalamat na naalala tayo ng iba!

Ang mga nagitla sa pagdating ng Panginoon ay makararanas ng pagka-sayang, kung hindi sila magbabago mula sa pagkagulat tungo sa pagninilay. Ang mga nabigla naman ay magtatamasa ng kanyang presensya at ng kanyang mga handog na grasya.

MAGNILAY

Isipin mo halimbawa na dumating ang Panginoon ngayon na hindi inaasahan. Magigitla ka ba o mabibigla? Halina, Hesus, halina! – gawin natin ang panalanging ito ng Adbiyento na gabay tungo sa pagiging handa at alerto sa presensya ng Panginoon.

kilalanin si Ka Luring Franco, Pilipinang katekista na kandidata sa pagiging santa… https://play.google.com/store/search?q=simpleng%20katekista&c=books&hl=en_GB