Home » Blog » LITANYA NG ISANG PINAGPALA

LITANYA NG ISANG PINAGPALA

Ang ating tugon: *ILAYO MO AKO, PANGINOON.

Sa paniniwalang hindi ako mahalaga*

Sa paniniwalang hindi ako sapat*

Sa paniniwalang bilanggo ako ng aking nakaraan*

Sa paniniwalang wasak ako at hindi na mabubuo pa*

Sa paniniwalang hindi ako napatawad*

Sa paniniwalang mabuti lamang ako batay sa aking mga narating*

Sa paniniwalang isa akong pagkakamali*

Sa paniniwalang wala akong galing o husay*

Sa paniniwalang ako ay nag-iisa*

Sa paniniwalang hindi na ako magbabago o lalago pa*

Sa paniniwalang walang naghahangad sa akin*

Sa paniniwalang hindi ako kaakit-akit*

Sa paniniwalang walang nagmamahal sa akin*

Sa paniniwalang tama ang iniisip ng iba tungkol sa akin*

Sa paniniwalang dapat akong maging perpekto*

Sa paniniwalang dapat kong ihambing ang sarili sa iba*

Ang ating tugon: **Panginoong Hesus, naniniwala ako.

Na ako ay minamahal mong anak**

Na ako ay mahalaga sa iyong paningin**

Na ako ay hinahangad**

Na ako ay ayon sa iyong pagkakilala sa akin**

Na ako ay kinagigiliwan**

Na ako ay hinirang**

Na ako ay patuloy sa paglago**

Na ako ay hindi nag-iisa**

Na ako ay may kakayahang magmahal**

Na ako ay maghihilom at muling mabubuo**

Na ako ay kabilang**

Na ako ay hindi isang pagkakamali**

Na ako ay nilikhang iyong kalarawan**

Na may plano ka para sa aking buhay**

Na ako ay hawak ng iyong kamay at inaakay mo**

Na ako ay nakikilala, nakikita, at minamahal dahil ako ay ako**

PANALANGIN

Ama, salamat sa iyong dakila at walang hanggang pagmamahal. Sa harap mo, ako ay minamasdan.

Sa harap mo, ako ay naririnig. Sa harap mo, ako ay nakikilala. Sa harap mo, ako ay minamahal.

Ngayon, pinipili kong yakapin ang katotohanan ng iyong pagmamahal sa akin.

Ngayon, pinipili ko ang aking pagiging pinagpala. Amen.

(isinalin ng ourparishpriest website mula sa Ingles na akda ni Sarah Kroger, Litany of Blessedness)