Grabe ang epekto ng bagyong Yolanda sa ating buhay. Sobrang dami ang namatay o nawawala at gayundin ang mga nasira sa paligid.Pero ang nakapagtataka, alam nating darating ang super-bagyo na ito. Hinintay natin ang darating na bagyo. May announcements sa media, may babala mula sa Pag-asa. Hindi kaya may sinasabi ito sa paraan ng paghihintay ng mga Pilipino?
Pagkatapos ng lahat, kailangan din nating aminin, minsan hindi tayo magaling maghintay. Paano ba maghintay ang mga Pilipino?Minsan hanggang sa kadulu-duluhang pagkakataon, saka lang tayo nababagabag o kumikilos.
Maraming tao ang lumilikas lamang kapag lulubog na sa baha ang bahay nila o kung nandiyan na sa katabing bahay ang sunog. Bawat barangay official ay sumasakit ang ulo sa page-evacuate sa mga tao pag may panganib dahil marami ang ayaw makinig at kumilos.
Ang tawag ng ebanghelyo: maging magaling at aktibo sa paghihintay. Sa paghihintay, “Magbantay kayo!” sabi ng Panginoon (Mt. 24: 42). Sa paghihintay, “maging handa kayong lagi” (v. 44) sa pagdating ng Panginoon, sa mahahalagang okasyon, sa anumang magaganap sa buhay.
Naghihintay ang mga Judyo sa kapayapaan sa unang pagbasa.Naghihintay ang mga Romano sa kalayaan ng katawan sa kasalanan at kadiliman. Samantala, ginagawa nila ang makakayanan upang maging mainam ang paghihintay.
Maghintay tayo nang magaling at maayos, nang aktibo at hindi nakatunganga lamang. Sa Adbiyentong ito, maghintay na may panalangin.Maghintay na may kapatiran sa kapwa. Maghintay na may pagbibigay sa mga nangangailangan sa atin.Maging makabuluhan sana ang inyong paghihintay sa Panginoon… at sa Paskong darating.
Ilang buwan lang ang nakalilipas nang ang isang pari ay nangangaral tungkol sa kahandaan sa kamatayan. Lingid sa kanya, biglang nakalas ang malaking krus sa altar sa likuran niya at bumagsak sa kanyang ulo,…
A few months ago, a priest in Ecuador was preaching about readiness for death. Suddenly from behind him, the huge altar crucifix fell and landed on his head, causing him to die on the…
Sa puso ng katuruang Kristiyano ay ang paniniwala sa muling pagbabalik ng Panginoong Hesukristo, sa panahong siya lamang ang nakaaalam. Pagbabalik niya, hindi ito paglalahad ng kapangyarihan. Sa halip, isang malalim na pagninilay sa…
Read more 1 min read
Need a prayer?
a prayer request
Let us pray for you.
For yourself, a loved one, or someone who is sick or has passed. Father will remember it in prayer and at Mass.
Your prayer request has been sent.
Father will remember your intention in prayer and at Mass.