Home » Blog » SINO SI HESUS? part 2

SINO SI HESUS? part 2

–>

KILALANIN SI HESUS part 2

SA TULONG NG MGA “SALAYSAY NG PAGKABATA”

(INFANCY NARRATIVES)

4. ANO ANG MGA PAGKAKAIBA NG SALAYSAY  NI MATEO (MAT 1-2) AT LUKAS (LUK 1-2) TUNGKOL SA PAGSILANG AT PAGKABATA NI HESUS?

KAY MATEO, ANG LARAWAN AY GANITO: SI MARIA AT JOSE AY NAKATIRA SA BETLEHEM AT MAY BAHAY DOON. ANG PAGDALAW NG MGA PANTAS NA GINABAYAN NG TALA, ANG NAG-UDYOK SA GALIT NI HERODES UPANG IPAPATAY ANG MGA BATA SA BETLEHEM. KAYA TUMAKAS ANG BANAL NA MAG-ANAK PAPUNTANG EHIPTO.  DAHIL TAKOT BUMALIK SA BETLEHEM DAHIL ANG ANAK NI HERODES  NA SI ARCHELAO ANG PUMALIT DITO, PUMUNTA SILA SA IBANG BAYAN, SA NAZARET, SA UNANG PAGKAKATAON.

KAY LUKAS, SI MARIA AT JOSE AY TAGA-NAZARET NA AT NAGPUNTA LAMANG SA BETLEHEM UPANG MAGPATALA SA CENSUS. DAHIL WALA SILANG BAHAY SA BETLEHEM, NANGANAK SI MARIA SA ISANG BAHAY “PANULUYAN” (INN). TAHIMIK BUMALIK SA NAZARET ANG BANAL NA MAG-ANAK. WALANG BINANGGIT TUNGKOL SA MGA PANTAS O KAY HERODES.

5. PAANO IPAPALIWANAG ANG MGA DETALYENG MAGKAKAIBA?

DAPAT TANGGAPIN NA NAIS NG ESPIRITU SANTO NA MAGKAROONG NG DALAWANG BERSYON NG SALAYSAY AT ANG PARAAN UPANG UNAWAIN SILA AY ANG UNAWAIN SILA NA MAGKAHIWALAY. HINDI NAMAN KAILANGANG PILITING PAG-UGNAYIN ANG DALAWANG SALAYSAY NI MATEO AT LUKAS. HINDI RIN DAPAT ISIPING ANG LAHAT NG DETALYE NG MGA SALAYSAY AY TOTOONG NAGANAP BILANG KASAYSAYAN (NOT COMPLETELY HISTORICAL). SA HALIP, MARAMING DETALYE DITO ANG MGA SAGISAG (SYMBOLIC) UPANG MAGPAHAYAG NG MAHALAGANG MENSAHE.

ANG BIBLIYA AY KOLEKSYON NG MGA AKLAT NG ISRAEL AT NG SIMBAHAN NA BINUBUO NG IBA’T-IBANG URI NG PAGSUSULAT – MAYROONG MGA TULA, DRAMA, KASAYSAYAN, KATHANG-ISIP, SAGISAG, ATBP. LAHAT AY MAY BATAYAN SA KATOTOHANAN PERO IBA’T-IBA ANG URI NG PAGSUSULAT. (itutuloy)