Sa unang pagkakataon sa karanasan nating mga Kristiyano, papasok tayo sa kakaibang Holy Week ngayong taon. Kahit bumabagyo, bumabaha, lumilindol, sumasabog ang bulkan, o magunaw man ang mundo, hindi kailanman nawala sa ating puso ang mga bagay na nagbibigay halaga sa mga Mahal na Araw.
Miss ninyo tiyak ang Visita Iglesia, Stations of the Cross sa barangay, ang Pabasa ng Pasyon sa bisita, ang prusisyon ng mga poon, ang mga Misa… at lalo na ang taunang Pagkukumpisal tuwing Kuwaresma at Holy Week.
Subalit kakaiba man ang ating situwasyon, huwag nating kaligtaan na ang mensahe ng Diyos ay lalong nagiging malapit sa ating puso. Tinanggal ng lockdown ang mga panlabas na anyo ng pananampalataya. Pero ang higit na mahalaga ay hindi nito mababakbak sa atin – ang pakikiugnay sa Panginoon puso-sa-puso saan ka man naroroon, sa tulong at gabay pa rin ng Simbahan.
Bawat araw ng Holy Week magbibigay tayo sa blog na ito ng munting mga pagninilay (bukod sa mga regular Sunday reflections), at tatalakayin natin ang iba’t-ibang mga VIRUS na tiyak nais ng Diyos na alisin sa ating sistema, sa ating ugnayan, at sa ating puso.
Abangan ang mga Virus na pagninilayan sa Mahal na Araw 2020…
Maraming pagkakakatulad ang sampung babae sa talinghaga ngayon. Lahat sila ay dalaga. Lahat ay naanyayahan sa kasalan. Kapwang may dala silang ilawan. Sama-sama ding nakatulog sa paghihintay sa lalaking ikakasal. Parang isang section ito…
The ten women in today’s Gospel parable have much in common. They were all virgins. They were all invited to a wedding feast. They all had lamps. They all fell asleep while waiting for…
Isang matandang pari ang nagtulak sa akin na sumulat ng bagong aklat tungkol sa mga santo dahil ang kaisa-isang aklat sa Tagaloy ay lumang edisyon na. Nagsulat ako ng apat na volumes dahil dito.…
Read more 2 min read
Need a prayer?
a prayer request
Let us pray for you.
For yourself, a loved one, or someone who is sick or has passed. Father will remember it in prayer and at Mass.
Your prayer request has been sent.
Father will remember your intention in prayer and at Mass.