Home » Blog » Iglesia ni Cristo (INC): Mga Aral Suriin

Iglesia ni Cristo (INC): Mga Aral Suriin

 

PATULOY NA PAGSUSURI SA INC

Inaangkin ng INC na sila ang tunay sa simbahang (o Iglesia) itinatag ni Kristo. Si Felix Manalo naman ang tunay na propeta ng Diyos. Maraming mga maliliit sekta din na umaangking tulad nito at maraming tao ang nagsasabing sila nga din ang propeta ng Diyos. Ang kaibahan ng INC ay hindi ito maliit na sekta lamang.

Mula nang itatag sa Pilipinas noong 1914, lumaganap na ito sa 200 kongregasyon sa 67 bansa sa labas ng Pilipinas, kasama ang lumalaking bilang sa USA. Laging inililihim ng INC ang kanilang eksaktong bilang pero maaaring nasa pagitan ng 3-10 milyon na sa buong mundo. Mas Malaki ito sa mga Saksi ni Jehova (na umaangkin din ng titulo bilang tunay na simbahan ni Kristo. Hindi masyadong kilala, kahit marami, dahil sa ang karamihan ng kasapi ay Pilipino. May ilang mga hindi-Pilipinong kasapi na karaniwan ay nag-asawa ng miyembro ng INC.

May dalawang lathalain o magasin, ang Pasugo at ang God’s Message, na marubdob na tumutuligsa sa ibang mga simbahan, lalo na sa Simbahang Katoliko. Karamihan sa miyembro kasi ay dating mga Katoliko din. Ang Pilipinas ang pinakamalaking Katolikong bansa sa Asia, halos 84 porsyento ng populasyon ay binyagang Katoliko. Dahil ito ang pinakamalaking mapagkukunan ng bagong kasapi, umaasa ang INC sa mga taktikong pananakot tungkol at laban sa Katoliko para suportahan ang kanilang mga doktrina, na hindi kayang tumayo sa saksi ng Bibliya kung hindi sasamahan ng pagsisinungaling. Pinatutunayan ng INC ang kanilang doktrina hindi sa pamamagitan ng pagpapaliwanag kung paano sila tama, kundi kung paano mali ang mga turo ng iba, lalo na ng mga Katoliko.

1. Si Kristo ba ay Diyos? 

Ito ang aral Katoliko na higit na nagpapaigting ng apoy ng panunuligsa ng INC – ang Pagka-Diyos ni Kristo. Tulad ng Saksi ni Jehovah, para sa INC si Kristo ay hindi Diyos kundi nilalang lamang.

Kahit na malinaw sa Biblia: Jn 1:1: Noong simula pa lamang ay naroon na ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos

Alam nating si Hesus ang Salita o Verbo dahil sabi sa Jn 1:14: Naging tao ang Salita, at nanirahan sa piling natin na puspos ng kagandahang-loob at katotohanan; nasaksihan namin ang kanyang kaluwalhatian, isang kaluwalhatian na tulad ng sa kaisa-isang anak na nagmula sa Ama

Ang Diyos Ama ay hindi nagkatawang-tao; si Hesus lamang, tulad ng turo din ng INC. Si Hesus ang Verbo, ang Salita ng Diyos, dahil si Hesus ay Diyos sa simula pa. Simple, pero hindi matanggap ng INC.

Sa Deut 10:17 at 1 Tim 6:15, ang Diyos Ama ay “Panginoon ng mga panginoon” subalit sa ibang sipi sa Bagong Tipan, ang titulong ito ay patungkol diretso kay Hesus. Sa Pahayag 17:14, sinasabi:  “Makikipagdigma sila laban sa Kordero, ngunit dadaigin sila ng Kordero, sapagkat siya ang Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari, at ang mga kasama niya ay yaong mga tinawag, mga hinirang at mga tapat.” (tandaan si Hesus ang Kordero)

At sa Pahayag 19: 13-16, nakita ni Juan si Hesus “Ang suot niyang damit ay itinubog sa dugo, at siya’y tinatawag sa pangalang Ang Salita ng Diyos. At ang mga hukbo ng langit na nakasuot ng pinong lino, puti at dalisay ay sumusunod sa kanya; sila’y nakasakay sa mga puting kabayo. Mula sa kanyang bibig ay lumalabas ang isang matalas na tabak na pantaga sa mga bansa, at siya ay maghahari sa kanila gamit ang tungkod na bakal. Tatapak-tapakan niya ang mga ubas sa pisaan upang lumabas ang katas ng bagsik ng poot ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat. Sa kanyang damit at hita ay may nakasulat na pangalan, “Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.”

Ang pagka-Diyos ni Hesus ay madiin sa Bagong Tipan. Sa Jn 5.18   nais patayin ng mga lider Hudyo si Hesus dahil: “Dahil dito, lalong nagsumikap ang mga Judio na patayin siya, dahil hindi lamang niya nilabag ang tuntunin ukol sa Sabbath, kundi sinabi rin niyang sarili niyang Ama ang Diyos, sa gayo’y ipinapantay ang sarili niya sa Diyos.”

Malinaw din ito kay Pablo sa Fil 2.6: “kahit siya’y nasa kalikasan ng Diyos, ay hindi niya itinuring na isang bagay na dapat panghawakan ang pagiging kapantay ng Diyos”

Kung kapantay ng Ama si Hesus, at ang Ama ay Diyos, samakatuwid, si Hesus ay Diyos. At dahil iisa lamang ang Diyos, si Hesus at ang Ama ay kapwa iisang Diyos – iisang Diyos sa dalawang persona (ang Espritu Santo, naman, ang ikatlong Persona sa Pagka-Diyos na ito).

Katulad ito ng ipinakita sa Jn 8.56-59 kung saan tahasang inangkin ni Hesus na siya si Yahweh (“Ako Nga”) – “Ang ama ninyong si Abraham ay nagalak dahil makikita niya ang araw ko. Nakita niya ito at siya ay nagalak.” Sinabi ng mga Judio sa kanya, “Wala ka pang limampung taon, nakita mo na ba si Abraham?” Sinabi ni Jesus sa kanila, “Katotohanan ang sinasabi ko sa inyo, wala pa man si Abraham Ako’y Ako na Nga.”  Dahil dito pumulot sila ng bato para batuhin siya; subalit nagtago si Jesus, at lumabas ng templo.”

Naunawaan ng mga nakikinig kung ano ang sinasabi ni Hesus kaya nga nais nila siyang batuhin dahil hindi nila matanggap. Akala nila ito ay paglapastangan sa Diyos dahil sinasabi ni Hesus na siya ay Diyos.

Ang katotohanang ito ay binigyang diin sa iba pang lugar. Sabi ni San Pablo na tayo ay dapat mabuhay “habang hinihintay natin ang katuparan ng ating mapagpalang pag-asa, ang maluwalhating pagdating ng ating dakilang Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. “ (Tito 2.13).

At si Pedro naman ay nag-alay ng kanyang liham sa: “Para sa mga tulad naming tumanggap ng mahalagang pananampalataya sa pamamagitan ng katuwiran ng ating Diyos at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo “ (2 Pet 1.1).

Si Hesus ay ipinakilalang Diyos sa makaantig damdaming tagpo kasama si Tomas kung saan matapos ang Pagkabuhay na Muli, napasigaw ito ng: “Panginoon ko at Diyos ko!” matapos makaharap ang Panginoong Muling Nabuhay (Jn 20.28) – hirap ang INC na kaharapin ang tagpong ito.

Nang magharap sa debate ang founder ng Catholic Answers na si Karl Keating at ang INC apologist na si Jose Ventilacion, sinabi lamang ni Ventilacion na “Mali si Tomas.” (Mali ba ang Bibliyang hawak niya? O mas tama siya kaysa kay Tomas na mismong kaharap ng Panginoon?)

2. Ang Sugo ng Diyos?

 


Sensitibo sa anumang relihyon ang larangan ng pagiging kapani-paniwala ng tagapagtatag nito. Ang reputasyon at ang mga aral ni Felix Manalo ay imposibleng seryosohin ninuman. Siya daw ang “sugo ng Diyos,” pinili ng Diyos upang muling itatag ang tunay na simbahan o iglesia, na ayon kay Manalo, ay naglaho noong unang siglo dahil sa pagbaliktad nito sa katotohanan. Gampanin daw niyang ibalik ang mga doktrinang inabandona ng simbahan. Isang mabilis na sulyap lamang ang kailangang gawin upang makita kung saan niya napulot ang sinasabing mga doktrina: ninakaw ni Manalo ang mga ito mula sa mga sektang halos-Kristiyano pero hindi tunay na Kristiyano (quasi-Christian sects).

Katoliko si Manalo pero umalis sa simbahan bilang binatilyo. Naging Protestante, nagpalipat-lipat sa 5 grupong Protestante, pati na sa Seventh-Day Adventist. Sa huli, nagtatag ng sarili niyang simbahan noong 1914. Umalis ng Pilipinas noong 1919 upang mag-aral pa ng relihyon. Nag-aral siya kasama ang mga Protestante sa Amerika at nang lumaon, itinuring niya ang mga ito na tiwalag at taksil sa simbahan, tulad ng mga Katoliko.  Bakit matapos ang limang taon bilang “sugo” ay nag-aral pa siya sa USA mula sa mga tiwalag at taksil? Ano ba ang matututuhan niya sa isang grupong, ayon sa INC, ay lumayo nga sa tunay na pananampalataya?

Ang paliwanag dito, na baligtad sa sinasabi niya, ay si Manalo ay hindi talagang naniwalang siya ang sugo ng Diyos sa huling araw noong 1914. Ginamit lang niya ang doktrina ng huling sugo noong 1922. Ginamit niya ito bilang tugon sa isang pagkakahati-hati sa kilusan ng INC. Ang Lider ng kilusan ay si Teogilo Ora, isa sa mga  unang ministro niya. Ginamit ni Manalo ang “huling sugo” upang kamkamin at ipaglaban ang kanyang pamumuno sa INC.

Problema ito sa INC dahil kung siya ang sugo na tinawag ng Diyos noong 1914, bakit hindi niya sinabi ito kaninuman bago pa ang 1922? Ang sitwasyong ito ay hindi nalalayo sa tagapagtatag ng mga Mormon, si Joseph Smith. Sinabi niyang nagpakita ang Diyos sa kanya noong siya’y bata at sinabing lahat ng simbahan ay tiwali at huwag siyang sasapi sa mga ito, at mamumuno siya ng isang kilusang muling bubuo ng tunay na simbahan. Ayon sa mga record si Smith ay nag-aral sa isang naitatag nang simbahang Protestante matapos ang sinasabi niyang pangitain. Ilang taon ang lumipas bago naisipan niyang gamitin ang bersyon ng “tunay na sugo,” isang pangyayaring nagbigay kahihiyan sa mga Mormon, tulad ng nangyari din kay Manalo at sa kanyang INC.

3. Ipinahayag bilang Propesiya?


Isang haligi ng INC ang turo na ang paglitaw nito sa Pilipinas ay ipihayag na mula pa sa Bibliya. Ang kaisipang ito ay galing daw sa Is 43.5-6 na nagsasabi:

“Huwag kang matakot, pagka’t akoy sumasaiyo. Dadalhin ko ang lahi mo buhat sa silangan at titipunin kong mula sa kanluran. Sasabihin ko sa hilaga: Ibigay mo sila! At sa timog: huwag mo silang pigiln…” (Bibliya ng Sambayang Kristiyano). Tingnan din ang mga English Bibles lalo na ang mga matapat sa orihinal na lengguahe.

Dahil daw dito ang sinasabi daw ni Isaias ay ang  “malayong silangan” o “far east” at ang lugar na ito ang pagmumulan ng “Iglesia ni Kristo” sa huling araw. Palagi itong lumilitaw sa mga lathalain ng INC: “The prophecy stated that God’s children shall come from the far east” (Pasugo, March 1975, 6).

Pero sa teksto ng Bibliya walang pariralang “malayong silangan” o “far east.” Sa Tagalog translation nga, ang mga salitang “malayo” at “silangan” ay hindi nga matatagpuang magkasama sa iisang talata o verse. Pero walang habas na pilit pinagdugtong ito ng INC. Gamit ang ganitong technique, sabi ng INC ang far east na iyan ay ang Pilipinas.

Dahil determinadong paniwalain ang mga tagasunod na ito ay totoo, ginagamit pa nila ang Is 43:5 mula sa isang pagsasalin ng hindi eksakstong bersyon ng Bibliya ng Protestanteng si James Moffatt na ganito: “From the far east will I bring your offspring.”

Sabi ng isang sulat ng INC ukol sa maling translation na kanilang sinusunod: “Hindi ba malinaw na nababasa ninyo ang far east dito? Malinaw! Bakit wala ito sa Bibliyang Tagalog? Hindi iyang pagkakamali naming kundi ng mga nagsalin ng Bibliya mula sa English patungong Tagalog – ang mga Katoliko at Protestante.” (na naman!!!)  (mula sa Isang Pagbubunyag Sa Iglesia ni Cristo, 1964:131).

Handa ang INC na akusahan ang iba ng maling salin ng Bibliya, gayung sila ang walang respeto sa mga orihinal na lenguwahe ng pagkakasulat ng Bibliya.


4. Ano nga ang Pangalan?

Ginagamit ng INC na patunay ang kanilang pangalan bilang pagiging tunay na simbahan. Sabi nila: ano ang pangalan ng simbahan ni Kristo, ayon sa bigay sa Bibliya? Ito ay ang “Iglesia (simbahan) ni Kristo.” Ang Iglesia naming ay tinatawag na “Iglesia ni Cristo.” Kaya nga, kami ang Iglesiang itinataga ni Kristo.”

Hindi mahalaga kung lumilitaw nga sa Bibliya ang mga salitang “Iglesia ni Kristo” pero dahil ginagamit itong isyu, mahalagang ipabatid na ang talatang “Iglesia ni Cristo” ay hindi kailanman lumitaw sa Bibliya.

Ang ginagamit ng INC ay kalimitang ang Rom 16.16: “Greet one another with a holy kiss. All the churches of Christ greet you ” (Pasugo, November 1973, 6). TAGALOG PLS…

Pansining ang sabi dito ay “churches” o “mga simbahan o mga iglesia.” At hindi ito pangalang o pamagat ng isang simbahan. Ang tinutukoy ni San Pablo ay ang kalipunan ng mga simbahang local, hindi ang pagbibigay ng opisyal na pangalan ng isang simbahan.

Upang lalo pang patunayan, ginagamit ng INC ang Gawa 20.28 (ng Lamsa translation – Pasugo, April 1978): “Take heed therefore . . . to feed the church of Christ which he has purchased with his blood” (Lamsa translation; cited in Pasugo, April 1978).

Ang Lamsa translation ay hindi batay sa orihinal na Griyego kung saan ang orihinal na Gawa ay isinulat. Sa Griyego ang talatang gamit ay  “ang simbahan o iglesia ng Diyos” (tan ekklasian tou Theou) at hindi “ang simbahan o iglesia ni Cristo” (tan ekklasian tou Christou). Alam ito ng INC, pero patuloy na niloloko pa rin ang mga tao.

Kahit pa nga lumitaw ang talatang “Iglesia ni Cristo” sa Bibliya, hindi pa rin maipapanalo. Bago pa si Felix Manalo magsimula, ang dami nang mga grupong tawag sa sarili ay “Iglesia ni Cristo/ Kristo.” Maraming mga denominasyong Protestante na ganito ang pangalan at gamit din ang tulad na argumento. Natural, hindi sila ang tunay na simbahan sa parehong kadahilanan na hindi din ito ang INC – dahil hindi sila itinatag ng Panginoong Hesus.


5. Lumayo (nagtaksil) nga ba sa pananampalataya ang Simbahan?

Ang doktrina ng INC kung saan nakabatay ang iba pang doktrina ng mga INC ay ang turo na nagtaksil o lumayo ang simbahan ni Kristo sa mga unang siglo mula sa tunay na pananampalataya. Tulad ng mga Mormon, ng mga Saksi ni Jehovah, at iba pang grupo, iginigii ng INC na nawala ang unang simbahan sa landas ng pananampalataya. Nagkaroon daw ng “kumpletong paglaho ng simbahan ni Kristo ng  unang siglo at ang lumitaw ay ang simbahang Katoliko.”  (Pasugo, July-Aug. 1979, 8).

Subalit ang pangako ng Panginoon ay ang kanyang simbahan ay hindi magtataksil sa katotohanan. Sabi niya kay Pedro: “And I tell you, you are Peter, and on this rock I will build my Church, and the gates of hell will not prevail against it” (Matt. 16:18).

Kung nagtaksil o naglaho ang simbahan, tiyak na nagwagi ang pintuan ng impiyerno laban dito, at si Kristo ay lalabas na nagsinungaling!

Ito rin ang turo sa iba pang talaga mula sa makatotohanang aral ni Kristo. Sa Mat 28.20: “I am with you always even until the end of the world.”

Sa Juan 14:16, 18: “And I will pray to the Father, and he will give you another Counselor, to be with you forever … I will not leave you desolate.”

Bakit kailangang gawing sinungaling si Kristo? Kung hindi sinungaling si Kristo, bakit kailangang balewalain ang kanyang pangako, na ayon sa Bibliya ay taliwas sa turo ng INC.

Pero may ginaganap na propesiya sa Bibliya ang INC. Kahit na hindi tatalikod ang simbahan sa kanyang turo, ang sabi ng Bibliya magkakaroon ng matinding pagtaliko (great apostasy) o paglayo mula sa tunay na simbahan ni Kristo.

2 Tes 2.2-3: Alam ninyong hinamak kami’t inalipusta sa Filipos, ngunit sa kabila ng maraming hadlang, binigyan kami ng Diyos ng lakas ng loob na ipahayag sa inyo ang Magandang Balita. 3 Ang pangangaral namin ay hindi batay sa kamalian, o sa masamang layunin, o sa hangad na manlinlang.

1 Tim 4:1: Maliwanag ang sinasabi ng Espiritu na sa mga huling araw ay tatalikuran ng ilan ang pananampalataya. Susunod sila sa mga mapanlinlang na espiritu at sa mga katuruan ng mga demonyo

2 Tim 4: 3-4: Sapagkat darating ang panahong hindi na sila makikinig sa wastong katuruan; sa halip, susundin nila ang kanilang hilig. Maghahanap sila ng mga tagapagturo na walang ituturo kundi ang ibig lamang nilang marinig. 4 Hindi na sila makikinig sa katotohanan, sa halip ay ibabaling ang kanilang pansin sa mga kathang-isip.

Sa kanilang pagtalikod mula sa simbahan, ang INC ay siyang gumagawa ng pagtalikod na madali nilang inaakusa sa Katoliko at sa Protestante.

Sabi ng Bibliya sa 1 Jn 4:1: Mga minamahal, huwag ninyong paniwalaan ang bawat nagsasabing nasa kanila ang Espiritu. Sa halip, subukin ninyo sila upang malaman kung talagang mula sa Diyos ang espiritung nasa kanila, sapagkat marami nang huwad na propeta sa mundong ito.

Si Felix Manalo ba ang tunay na propeta? Ang iglesia ba niya ang tunay na iglesia o simbahan?

Kung susuriing mabuti ang mga aral ng INC, ang sagot ay malinaw. Ang kanilang sariling pagtalikod sa pananampalataya ang siyang taliwas sa mga aral ni Kristo.

Hindi maaaring maging totoo ang Iglesia ni Cristo ni Manalo.

Isinalin mula sa catholicanswers.com