Home » Blog » 500 YEARS OF CHRISTIANITY: MGA POPES NA BUMISITA NA SA PILIPINAS

500 YEARS OF CHRISTIANITY: MGA POPES NA BUMISITA NA SA PILIPINAS

SA PAGGUNITA SA 500 TAON NG KRISTIYANISMO SA PILIPINAS

 

 

POPE PAUL VI

–  Unang Santo Papa na dumalaw sa Pilipinas (November 27 to 29, 1970); pastoral visit

–   Sinalubong ni Cardinal Rufino Santos

–   Bahagi ng pagdalaw sa Asya at Pacific

–   Bumisita sa mga squatter sa Tondo

–   Muntik nang mapatay ng isang assassin na taga-Bolivia sa ating airport, si Benjamin Mendoza, subalit naharang at nahadlangan agad ng mga security

–  Ito ang unang pagtatangka sa buhay ng isang Santo Papa sa modernong kasaysayan

–  Pilit inako ni dating pres. Ferdinand Marcos na siya ang nagligtas sa Santo Papa, bagamat ito ay pinasinungalingan ng ibang salaysay sa pangayayari

 

 

POPE JOHN PAUL II

–  Dalawang beses dumalaw sa Pilipinas

–  Unang pagdalaw: 1981 (first time na official Vatican visit), February 17 to 22, 1981

–   Sinalubong ni Jaime Cardinal Sin

–   Lumibot sa Maynila, Cebu, Davao, Bacolod, Iloilo, Legazpi at Baguio

–   Gumanap ng “First Beatification” sa labas ng Roma, para kay “Blessed Lorenzo Ruiz” de Manila

–  Ikalawang pagdalaw: 1995 (para sa 10thWorld Youth Day), January 12 to 16, 1995

–  Sinalubong muli ni Jaime Cardinal Sin

–  Nakaakit ng isa sa pinakamalaking pagtitipon (one of the largest crowd) sa kasaysayan ng pagbisita ng isang Santo Papa, 4-5 milyon katao.

–  Muntik na ring mapatay dahil sa isang assassination na nasugpo agad ng mga pulis

 

 

POPE FRANCIS

–   January 15 to 19, 2015

–   Dumalaw sa Maynila, Tacloban, Palo (Leyte)

–   Sinalubong ni Cardinal Luis Antonio Tagle

–   Nagbigay inspirasyon sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda

–  Nakaakit ng pinakamalaking pagtitipon (largest crowd) sa kasaysayan ng lahat ng Misa ng isang Santo Papa, 6 milyon katao, sa Luneta.