ANG PITONG MGA KALOOB NG ESPIRITU SANTO: ANO BA TALAGA ITO?
–>
Ang pitong mga kaloob ng Espiritu Santo ay mga katangian at tanda na mula sa Diyos Espiritu Santo para sa mga Kristiyano upang sila ay maging bukas, masunurin, at mapagtalima sa kanyang mga pag-ganyak at inspirasyon habang ginaganap nila ang kalooban ng Diyos sa kanilang buhay, at nang sila ay mapuno ng makalangit na kagalakan at katatagan na batay sa kanyang paggabay at tulong.
Ayon kay San Francisco ng Sales mas mainam kung ilalarawan ang mga kaloob ng Espiritu Santo sa paraang kaugnay ng regalo ng Diyos sa atin na pag-ibig. Kaya maaari nating unawain ang mga ito na:
KARUNUNGAN AY ANG PAG-IBIG na nagdadala sa atin upang malasap kung gaano ang kabutihan at kagandahan ng Diyos
PAGKA-UNAWA ANG PAG-IBIG na tumutulog upang makita natin ang kagandahan ng ating pananampalataya, makilala kung sino ang Diyos para sa atin at makilala siya sa kanyang mga nilikha at sa mga pangyayari ng buhay
KAALAMAN ANG PAG-IBIG na umaakay upang matutunan natin kung sino ba tayo at ang ibang mga nilikha sa harap ng Diyos, upang lalo nating malaman kung paano siya paglingkurang higit sa ating buhay
PAGPAPAYO ANG PAG-IBIG na nagbibigay sa atin ng karunungan upang piliin ang pinakamagandang paraan na ganapin ang kalooban ng Diyos at paglingkuran siya
KATATAGAN ANG PAG-IBIG na nagpapalakas sa puso sa pasya nitong gawin kung ano ang inuudyok ng pagpapayo (naunang paliwanag)
KABANALAN ANG PAG-IBIG na nagpapanibago ng lahat nating ginagawa upang maging matamis, magaan at kaaya-aya dahil tayo ay mga anak na naghahandog sa Ama
BANAL NA PAGKATAKOT ANG PAG-IBIG na nagtutulak sa ating lumayo at umiwas sa anumang hindi ayon sa puso sa kagustuhan ng puso ng Diyos
(paki-share po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!)