Home » Blog » ANO ANG BANAL NA MISA? PART 13: ANG LITURHIYA NG EUKARISTIYA

ANO ANG BANAL NA MISA? PART 13: ANG LITURHIYA NG EUKARISTIYA

Sa pagdiriwang ng Huling Hapunan, kinuha ni Hesus ang tinapay at alak, nagdasal ng pasasalamat, at saka hinati sa mga alagad ang tinapay at ibinahagi ang alak. Ang ating Liturhiya ng Eukaristiya sa Misa ay sumusunod sa ritmo ng kilos ng Panginoong Hesus. Kaya nga may tatlong mahahalagang sandali ang bahaging ito ng Misa.

Ang una ay ang paghahanda o paghahandog ng mga alay, kung saan ang tinapay at alak ay dadalhin sa altar, ang mga sangkap na mismong ginamit din ng Panginoong Hesus sa Huling Hapunan.

Ang ikalawa ay ang Panalanging Eukaristiko kung saan pinasasalamatan at pinupuri ang Diyos sa kanyang gawaing pagliligtas at sa mga kaloob na magiging Katawan at Dugo ni Kristo.

Ang ikatlong bahagi ay ang Pakikinabang o Komunyon kung saan ang mga nananampalataya ay tatanggap ng Katawan at Dugo ni Kristo tulad ng mga apostoles na tumanggap nito sa mismong mga kamay ng Panginoon.

ourparishpriest 2023