Home » Blog » ANO ANG BANAL NA MISA? PART 19: ANG SAGUTAN/ PANIMULANG DIYALOGO

ANO ANG BANAL NA MISA? PART 19: ANG SAGUTAN/ PANIMULANG DIYALOGO

Alam natin ang bahaging ito ng Misa:

Sumainyo ang Panginoon – At sumainyo rin.

Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa – Itinaas na namin sa Panginoon.

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos – Marapat na siya ay pasalamatan.

Lahat ng Panalanging Eukaristiko ay nagsisimula sa isang sagutan,  na maaaring minana muli sa kaugalian ng mga Hudyo. Ang pinakamatandang ebidensya ng sagutang ito ay nasa Panalanging Eukaristiko ni Hipolito.

Sa lumang canon o panalanging eukaristiko, tanging ang pari ang siyang pumapasok sa diwa ng panalangin, habang kaugnay ang bayan sa espiritu o diwa lamang. Ang sagutan o panimulang diyalogo ay nagpapakita ng pagkakaisa ngayon ng pari at ng bayan sa pagdiriwang.

Sa sagutang ito, hinihimok ng pari ang lahat na ihanda ang kanilang mga puso sa panalangin: “Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.” Tila ba sinasabing walang ibang dapat isipin mula sa sandaling ito kundi ang Panginoon lamang.

ourparishpriest2023