Home » Blog » ANO ANG BANAL NA MISA? PART 27: ANG ANAMNESIS O “SI KRISTO’Y NAMATAY…”

ANO ANG BANAL NA MISA? PART 27: ANG ANAMNESIS O “SI KRISTO’Y NAMATAY…”

Mula sa salitang Griyego, ang anamnesis ay may kahulugang pag-alaala o paggunita. Sa Huling Hapunan, habilin ng Panginoong Hesukristo na “gawin ninyo ito sa pag-alaala sa akin” (Lk 22:19). Ito ang ating tugon sa kahilingang ito. May apat an bahagi ang paggunita o pag-alaala.

Una, ang paanyaya ng pari: Ipahayag natin ang misteryo ng pananampalataya.

Ikalawa, ang mismong paggunita ng bayan: Si Kristo’y namatay… nabuhay… babalik sa wakas ng panahon.

Ikatlo, ang mismong pag-alaala ng pari.

Ika-apat, ang panalangin ng pag-aalay at pasasalamat ng pari.

Ang anamnesis ang pananalangin ng Espiritu Santo sa ating puso. Sinabi ng Panginoong Hesukristo na ang Espiritu Santo ang magpapa-alala sa atin ng lahat ng sinabi niya sa atin (Jn 14: 26). Ang Espiritu Santo ang ala-ala ng simbahan; laging nagpapa-alala sa atin ng Paskuwa ng Panginoon, ang kanyang kamatayan at Muling Pagkabuhay. Ang Espiritu Santo din ang magbubukas ng pinto ng kinabukasan para sa simbahan (Jn 16:13), na walang iba kundi ang pagbabalik ng Panginoong Hesukristo sa wakas ng panahon.