Home » Blog » ANO ANG BANAL NA MISA? PART 28: ANG EPIKLESIS NG KOMUNYON

ANO ANG BANAL NA MISA? PART 28: ANG EPIKLESIS NG KOMUNYON

Tulad ng binanggit sa part 22, may dalawang epiklesis o pagsamo sa Espiritu Santo; ang una ay ang pagsamo sa mga handog na alak at tinapay; ang ikalawa ay pagsamo sa sambayanang nagdiriwang. Para sa sambayanan, ang dalangin ay upang magkaisa ang mga mananampalataya at upang maging karapat-dapat na handog sa Ama.

Bawat biyaya ay mula sa pagmamahal ng Ama, na tinatamo ni Hesus para sa atin at ipinamumudmod naman ng Espiritu Santo sa atin. Ang Diyos Espiritu Santo ang Kaloob na pinakamataas at pinakamarangal, ang Kaloob ng Diyos sa panahon ng pagliligtas.