ANO ANG BANAL NA MISA? PART 32: ANG EMBOLISM / IADYA MO KAMI…
Ang kahilingan na “iadya sa masama” (o embolismo) ay maaaring naging bahagi ng Misa sa panahon ni San Gregorio. Kasama dito ang pananabik sa “dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming Panginoong Hesukristo.” Umaasa tayo sa mga pangako ng Diyos. At hindi pangako na walang hugis o anyo, kundi mismong ang pangako ng kaluwalhatian ni Kristo, ang kanyang kabutihan na darating sa ating buhay.