Home » Blog » SAINTS OF MAY: SAN NEREO AT SAN AQUILES

SAINTS OF MAY: SAN NEREO AT SAN AQUILES

MAYO 12: MGA MARTIR

KUWENTO NG BUHAY

Namatay ang dalawang santong ito bandang taong 304. Kakaunti ang alam natin tungkol sa kanilang buhay dahil na rin siguro sa maikling panahon ng kanilang buhay at hindi naman masusing nakapagtago ng mga dokumento tungkol sa kanilang pagsaksi kay Kristo.

Noong ikaapat na siglo, kumatha si Santo Papa Damaso ng isang parangal para sa dalawang santo at ito ang isang tiyak na batayan ng kuwento ng kanilang buhay.

Si San Nereo at San Aquiles ay mga sundalo ng imperyo ng Rome noong panahon ng emperador Trajan. Matapat silang naglingkod bilang mga sundalo subalit unti-unti silang nabighani sa bagong pananampalataya ng mga Kristiyano. Niyakap nila ang pananampalatayang ito at ninais na mula noon ay isabuhay ang pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.

Ayon kay Santo Damaso, noong una ay tila bulag na sumu- sunod lamang sa utos ng emperador ang dalawang sundalo at anuman ang ipagawa sa kanila ay kanilang ginagampanan kahit ito ay utos ng hindi makatarungang pinuno. Nagawa din

nilang sumunod dahil sa takot na sila ay parusahan sa kanilang pagsuway.

Tila isang himala na natagpuan nila ang pananampalataya. Itinigil nila ang kanilang pagtupad sa utos ng emperador. Tumakas sila mula sa kanilang masamang pinuno. Itinapon nila ang kanilang kalasag at armas na tigmak ng dugo.

Mula noon, isa na lamang ang kanilang isinisigaw. Hindi na ang kaluwalhatian ng isang pinunong tao lamang, kundi ang tunay na kaluwalhatian ni Kristo na kanilang pinagpasyahang sundan at mahalin habang buhay.

Dahil sa kanilang pagtanggap sa Salita ng Diyos at sa pagsapi sa pamilya ng Simbahan, pinarusahang mamatay ang dalawang sundalong ito. Una silang ipinatapon sa isla ng Terracina (lugar na matatagpuan sa Italy). Pagkatapos ay pinugutan sila ng ulo. Ang tapang sa larangan ng digmaan ay napalitan ng kisig na maging saksi sa pagmamahal ng Diyos.

Agad na kumalat ang kuwento ng kabayanihan nina San Nereo at San Aquiles. Nagtayo ng isang simbahan sa Rome sa lugar ng kanilang libingan noong ikaapat na siglo. Nasundan pa ito noong ikaanim na siglo ng isa pang simbahan sa Rome sa kanilang karangalan. Pinagpupugayan din ang kanilang alaala sa pamamagitan ng kanilang mga labi na nakalagak sa simbahan.

HAMON SA BUHAY

Talagang kamangha-mangha ito. Ang mga dating kawal sa puwersa ng emperador ay naging mga sundalo na ng puwersa ng kapayapaan at pagmamahal ng Diyos. Matagumpay at matatag ang pagbabago sa buhay ng ating dalawang santo dahil talagang

KATAGA NG BUHAY

Sir 51:8

Kaya, Panginoon, naalaala ko ang habag mo at ang iyong mga gawa noong mga lumipas na panahon: tutulungan mo ang umaasa sa iyo at ililigtas sila sa mga kamay ng kanilang kaaway.

From the book Sulyap sa mga Santo by Fr. RMarcos