NOBENANG PAM-PASKO KAY SAN JOSE
Maluwalhating San Jose, mapag-ampong ama at tagapagtanggol ng Panginoong Hesukristo! Sa iyo itinataas ko ang aking puso at humihiling ng makapangyarihan mong panalangin para sa kahilingan ko sa Paskong darating. Kamtin mo para sa akin mula sa Mahal na Puso ni Hesus ang tulong at biyayang kailangan ko sa aking espirituwal at materyal na pangangailangan, higit ang biyaya ng isang payapang pagpanaw sa mundo, at lalo na ang kahilingan kong ito para sa darating na Pasko (banggitin nang tahimik ang kahilingan). Tagapangalaga ng Salitang Nagkatawang-tao, nabubuhayan ako ng pag-asa na sa pamamagitan mo, ang aking panalangin ay madirinig sa trono ng Diyos.
O Maluwalhating San Jose, sa pamamagitan ng pagmamahal mo sa ating Panginoong Hesukristo, at sa kaluwalhatian ng kanyang ngalan, pakinggan mo at kamtin ang aking kahilingan.
(dasalin nang 9 na araw bago ang Pasko ng Pagsilang)
Salin mula sa sa ourcatholicprayers.com (English)