Home » Blog » LITANYA NG PAG-ASA (para sa Jubilee of Hope)

LITANYA NG PAG-ASA (para sa Jubilee of Hope)

Panginoon, kaawaan mo kami. *Panginoon, kaawaan mo kami.

Kristo, kaawaan mo kami. *Kristo, kaawaan mo kami.

Panginoon, kaawaan mo kami. *Panginoon, kaawaan mo kami.

Diyos Ama, Bukal ang pag-asa – *Kaawaan mo kami.

Diyos Anak, aming Pag-asa at Manunubos*

Diyos Espiritu Santo, Mang-aaliw sa gitna ng mga pagsubok*

Sa panahon ng pag-aalinlangan at pagkasiphayo – *Panginoon, punuin mo kami ng pag-asa.

Sa panahon ng karamdaman at paghihirap*

Kapag nahaharap kami sa buhay na walang-katiyakan*

Kapag nahaharap kami sa suliranin sa pananalapi at kabuhayan*

Kapag tila natatabunan kami ng takot at pagkabagabag*

Kapag ang mga mahal namin sa buhay ay lumalayo sa pananampalataya sa Iyo*

Kapag nasasaktan kami sa nararanasang pangungulila at pag-iisa*

Kapag nasasaktan kami sa nararanasang pag-iwas sa amin ng iba*

Kapag nakaramdam kami ng pag-uusig o pagkakait ng katarungan*

Kapag nagdadalamhati kami sa kamatayan ng isang mahal sa buhay*

Kapag dumadaan kami sa mga tukso at pagsubok*

Sa mga panahong tila wala na kaming maaasahan sinuman o anupaman*

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan – Iligtas mo kami, Panginoon.

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan – Pakinggan mo kami, Panginoon

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan – Kaawaan mo kami, Panginoon.

Manalangin tayo:

Panginoong Hesukristo, ikaw ang tunay at tiyak na batayan ng aming pag-asa. Lumalapit ako sa iyo sa panahon ng pakikibaka, hiling ang panalangin ng iyong mga banal na nanatiling matapat sa iyo sa gitna ng mga pagsubok. Sa pamamagitan ng kanilang halimbawa, nawa ay magpunyagi ako sa pag-asa, at magtiwala lagi sa iyong pagmamahat at awa. Palakasin mo po ako sa harap ng mga pagsubok at bigyang katatagan, at nawa ang iyong pag-asa ay magningning sa aking katauhan na tila isang ilaw sa daigdig. Sa pamamagitan ng mga banal na lalaki at babae na naunang umasa sa iyo, lumago nawa ako sa pagdulog sa iyo at mamuhay nawa akong puno ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig. Amen.

(adapted and translated by Fr. RMarcos 2025)