DAKILANG KAPISTAHAN NG SANTISSIMA TRINIDAD K
MAGMAHAL TULAD NG KANYANG PAGMAMAHAL
JN 16: 12-15
MENSAHE
Tinuruan tayo ng Panginoong Hesukristo ng isang dakilang aral sa pananampalataya sa Diyos – na ang Diyos ay pag-ibig – at binaligtad niya ang matagal nang paniniwalang ang Diyos ay galit, mapanghusga, mapaghiganti, at mapagparusang walang pakundangang pinuno. Para kay Hesus, ang makilala ang Diyos, ay ang maglakbay sa landas ng pagmamahal. Ang Diyos na ipinangaral niya at isinabuhay ay nakikipag-ugnayan sa atin sa pamamagitan ng personal na pakikipagtagpo, hindi sa pamamagitan ng mga aklat, kautusan, o mga batas, kundi sa pakikitungo sa mundo at sa bawat isa sa atin sa pag-ibig.
Kaya nga, ang Diyos ay Ama ng pagmamahal. Nilikha niya ang daigdig mula sa kawalan, hindi dahil sa nasumpungan lamang. Lumikha siya upang ibahagi ang kanyang kabutihan, kagalakan, at buhay. Lumikha siya upang magkaroon ng mg anak na magmamana ng kayamanan ng kanyang puso,.
At opo, ang God ay isang mapagmalasakit na Anak. Si Hesus, mula sa Diyos at Diyos na totoo, ay Anak ng Diyos na hindi nagpumilit kumapit sa kadakilaan ng pagka-Diyos kundi sumunod sa paanyaya ng Ama na makihalubilo sa mga tao, sa kanyang mga kapatid, upang ibalik sila sa habag ng Ama. Ipinakita ni Hesus ang pag-ibig niya sa pinakamataas na paraan ng pag-aalay ng buhay para sa mga taong lubhang mahal niya at ng Ama.
At heto, patuloy ang pagmamahal sa Espiritu dahil ang Espiritu Santo ay hindi isang lutang at di nakikitang lakas na walang pakialam. Siya ang buklod ng pag-ibig ng Ama at ng Anak, at siya ding Kadena, talim, at koneksyon ng pag-ibig ng tao at Diyos, ng tao at kapwa-tao.
Ang Ama, Anak, at Espiritu Santo ay ang bukal ng pagmamahal sa mundo. Bagamat makapangyarihan, ang pag-ibig ay walang depensa, kaya hindi laging tagumpay. Mayroon tayong kakayahan at kalayaan na magwalang-bahala, tumanggi, o magmalabis sa pagmamahal. Subalit hindi maigugupo ang pag-ibig dahil sabi ni San Pablo: tatlo ang mananatili – pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig; at ang pinakadakila sa mga ito ay pag-ibig (1 Cor 13:13).
MAGNILAY
May nabasa ako na ang sabi ay kapag nagdasal tayong “sundin ang loob mo,” dapat mayroon din naman sa loob natin na hindi masunod. Kaya pag nagdasal tayong magmahal tulad ng Diyos, dapat mayroon sa puso natin na maitaboy – ang sakim na pag-ibig. Lumapit tayo sa Ama, Anak, at Espiritu Santo upang humingi ng pagmamahal na magpapadalisay sa nakasanayan nating paraan ng pagmamahal.