PANALANGIN SA PANAHON NG BAGYO
MAG-ANTANDA NG KRUS KAPAG NAKITA ANG SIMBOLO: (+)
Sinasabing itong panalangin ay mula pa kay San Antonio de Padua
SI HESUKRISTONG HARI NG KALUWALHATIAN AY DUMATING SA KAPAYAPAAN (+)
ANG DIYOS AY NAGKATAWANG-TAO (+)
AT ANG SALITA AY NAGING TAO (+)
SI KRISTO AY ISINILANG NG ISANG BIRHEN (+)
SI KRISTO AY NAGDUSA (+)
SI KRISTO AY IPINAKO SA KRUS (+)
SI KRISTO AY NAMATAY (+)
SI KRISTO AY MULING NABUHAY (+)
SI KRISTO AY UMAKYAT SA LANGIT (+)
SI KRISTO ANG LUMULUPIG (+)
SI KRISTO ANG NAGHAHARI (+)
SI KRISTO ANG NAG-UUTOS (+)
SI KRISTO NAWA ANG MAG-ADYA SA ATIN LABAN SA MGA BAGYO AT KIDLAT (+)
NAGLAKAD SI KRISTO SA GITNA NILA SA KAPAYAPAAN (+)
AT ANG SALITA AY NAGING TAO (+)
SI KRISTO AY KAPILING NATIN KASAMA SI MARIA (+)
LUMAYO KAYONG MASASAMANG ESPIRITU DAHIL ANG LEON NG JUDA, ANG UGAT NI DAVID, ANG NAGWAGI (+)
BANAL NA DIYOS (+)
BANAL MAKAPANGYARIHANG DIYOS (+)
BANAL WALANG HANGGANG DIYOS (+)
MAAWA KA SA AMIN. AMEN! (+)
AT SA MAHAL NA BIRHENG DEL CARMEN, DUMULOG TAYO…
MAHAL NA BIRHENG DEL CARMEN, SA MADILIM NA GABI NG MGA BAGYO AT UNOS SA KARAGATAN, ANG MAKA-INA MONG PAGKALINGA ANG SIYANG NAGLILIGTAS SA AMIN. PINAPATNUBAYAN MO KAMI SA PAGLALAKBAY SA BUHAY. IKAW ANG TALA NG KARAGATAN NA GUMAGABAY SA AMIN SA MGA ALON NG PAGLALAYAG PATUNGO KAY HESUS NA MINAMAHAL MONG ANAK. MAHAL NA BIRHENG DEL CARMEN, IPANALANGIN MO KAMI AT IPAGTANGGOL. AMEN.