Home » Blog » IKA-30 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON K

IKA-30 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON K

NAKAKASIRA ANG “PRIDE,” ANGAT ANG “HUMBLE”
Ang Pariseo ang modelo ng tunay na mayabang.  Bulag siya sa kanyang sariling kasalanan at mga pagkakamali. Subalit dilat na dilat ang mata nya sa pagkukulang ng iba.  Ito ang dahilan kung bakit nainis sa kanya ang Panginoon.
Ang publikano naman ang modelo ng mababang loob.  Kilala niya ang sarili.  Alam niyang wala siyang maipagmamalaki dahil makasalanan siya sa mata ng kapwa niya dahil sa kanyang hanap-buhay.
Ang tangi niyang lakas ay ang aminin ang kanyang kahinaan sa harap ng Diyos.  Ito ang dahilan at naging kaaya-aya siya sa mata ng Panginoon.
Tingnan ang iyong puso:  puno ka ba ng pride o ikaw ba ay humble sa harap ng Diyos?
(trial summary of the gospel reflection in Filipino, for Filipino/ Tagalog readers)