Home » Blog » DAKILANG KAPISTAHAN NINA APOSTOL PEDRO AT PABLO

DAKILANG KAPISTAHAN NINA APOSTOL PEDRO AT PABLO

SIMBAHANG APOSTOLIKA
Ngayon ay dakilang kapistahan ng dalawang apostol na sila San Pedro at San Pablo. Si San Pedro ay kilala natin bilang pinuno ng labin-dalawang apostoles at si San Pablo bagama’t hindi kasama sa orihinal na samahan ng mga apostoles, ay napili para sa isang dakilang tungkulin ng pagpapahayag sa mundo. Kung aalalahanin natin, ang ating Simbahan ay hindi kamakailan-lamang na itinatag, ni hindi ito nagsimula sa kapritso ng tao, ni hindi rin ito nagdadala ng mga aral na gawa lamang ng tao. Sa kalagitnaan ng iba’t- ibang simbahan na nagdudulot ng pagkalito ngayon, mapagtitibay natin na ang ating pananampalataya ay Apostoliko.

Ano ba ang ibig nating iparating kapag sinabi nating Apostoliko ang ating Simbahan? Inilalarawan ng ebanghelyo kung paano pinasinayaan ni Hesus ang simbahan batay sa pananampalataya ng mga apostoles, lalo na kay San Pedro. Natanggap ni San Pedro ang pagbubunyag na si Hesus ang Mesias, at siya ang Anak ng nabubuhay na Diyos.

Ipinagkatiwala ni Hesus kay San Pedro ang susi ng kaharian ng langit. Si San Pedro ay naging lantad na pinuno sa Simbahan noong kapanahunan niya at naging tagapagtanggol ng ebanghelyo. Si San Pedro ay namatay habang naglilingkod sa komunidad ng mananampalataya. Si San Pablo, pagkatapos ng kanyang pagbabalik-loob, ay naging katangi-tanging misyonaryo sa lahat ng bayan. Si San Pablo ay nagtatag ng Simbahan at gumawa ng mga kasulatan hanggang sa siya ay pinugutan ng ulo sa Roma dahil sa kanyang pananampalataya. Ang libingan nila San Pedro at San Pablo ay matatagpuan sa Roma; na naging dahilan kung bakit ito ay naging espesyal na lugar para sa atin. Bilang mga Katoliko, mabuhay tayo sa pananampalataya na nagmula sa dalawang apostol na ito.

Tayo ay apostoliko batay sa PINAGMULAN. Ang ating pananampalataya ay nakabatay sa mga pangaral ng mga apostoles at sa kanilang walang kapaguran na paggawa sa ebanghelyo. Ipinagpatuloy ng mga apostoles ang kanilang presensya sa pamamagitan ng kanilang tagapagmana, mga Obispo at mga Santo papa. Mula sa panahon ng mga apostoles, ang Diyos ay nagpatuloy sa paglalaan ng pastol na gagabay at mangangalaga sa pananampalataya ng kanyang mga mananampalataya. Sa panahong madami ng tao ang magsisimula at magtatayo ng sarili nilang simbahan, mabuting alalahanin natin na ang ating Simbahan ay matutunton pabalik sa orihinal na grupo ni Hesus.

Tayo ay apostoliko batay sa PAGSASAKSI. Maraming simbahan sa paligid natin ang nabubuhay upang sirain ang reputasyon ng iba at maling pamumuno sa pananampalataya ng mga naniniwala. Ang kanilang pangaral ay binuo gamit ang mapanirang usapin patungkol sa ating Simbahan. Sa kabilang dako, ang ating Simbahan ay iniimbitahan tayo na making kay Hesus sa kanyang salita at sa pamamagitan ng Simbahan; upang gawing gabay sa pangaraw-araw na pamumuhay at pakikipagrelasyon. Ang Simbahang Katolika ay ang sumulat o bumuo ng Bibliya. Gaya ng mga apostoles, ipagpatuloy natin ang pagpapahayag ng ebanghelyo bunga ng pagmamahal at pagrespeto sa lahat.

Tayo ay apostoliko batay sa LAYUNIN. Ang Simbahan ay tahimik na naglilingkod sa sangkatauhan. Tayo ay nagdadasal at naglilingkod para sa lahat ng tao ng bawat lahi, relihiyon o estado. Tayo ang pinakamalaking mapagkawanggawang samahan sa mundo na naglilingkod sa mahihirap. Ang mga Katliko ay naglilingkod sa mga lugar pagamutan at ampunan, sa paaralan at opisina. Tayo rin ay lumalaban para sa buhay at dignidad ng tao at sa integridad ng bawat pamilya. Tayo ay nagtutungo sa mga lugar kung saan tayo ay mas kailangan. Bilang nabubuhay sa mundo, tayo ay pinapaalalahanan na magsikap na matamo ang kabanalan sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba.

Ipinagdiriwang natin ang kapistahan ng mga Apostoles at nagagalak dahil tayo tinawag ng Diyos upang makadaupang palad ang kanyang pamilya. Nawa’y ipagpatuloy natin ang paglalaan ng ating mga sarili sa pananampalataya na ating natanggap mula sa mg apostoles; ang pananampalataya na dapat nating isabuhay at ibahagi sa ating mga pamilya at mga kaibigan and sa lahat ng nasa paligid natin na kailangang marinig ang mensahe na nagdudulot ng pag-asa.