Home » Blog » IKA-14 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON A

IKA-14 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON A


PANGINOON, NASA IYO ANG KAPAHINGAHAN

Isang kapuna-punang karanasan ang nangyari sa aming biyahe sa lawa ng Galilea. Isa sa aming kasamahan na si Sanny ay nawalan ng kaisa-isang dalagang anak noong 1992 dahil sa sakit na “Leukemia”. At ngayon, sa kanyang aktibong paglilingkod sa Diyos ay may nagkukubling galit at pighati. Laging nasa pitaka niya ang larawan at hibla ng buhok ng kanyang anak na naitabi niya pagkatapos ng “chemotherapy treatment” ng kanyang anak.

Ang umagang iyon ay banayad at ang tubig ay payapa sa paligid ng lawa. Inanyayahan ko ang aking mga kasamahan na ipagkatiwala sa Diyos ang mga bagay na nagdudulot ng sakit at hirap sa kanilang puso at kaluluwa, mga bagay na umagaw sa kanilang kasiyahan at kapayapaan. At kami nga ay kumanta ng isang awitin na pumuno sa amin ng taimtim na emosyon. Walang mata ang hindi lumuha sa mga oras na iyon. Kinuha ni Sanny ang kanyang pitaka at inilabas ang naitabing buhok ng kanyang anak at marahan niya itong pinakawalan sa lawa, na may daluyong damdamin ng kapayapaan at kalayaan. Ang kanyang pusong naghihinakit ay nakatagpo ng kaginhawaan. At kanyang naipahayag na makalipas ang isang dekada ng hinanakit, ay makakausad na siya sa kanyang buhay.

Ang awitin na aming kinanta noong umagang iyon ay nagmula sa ebanghelyo ngayon na nagsasabing, “idulog niyo sa akin ang inyong pasanin kayong may mga pasaning mabigat. Magsilapit kayo sa akin, kayong mga pagod sa pagbubuhat ng mga mabibigat na krus niyo sa buhay. Sapagkat ang pamatok na ibibigay ko sa inyo ay madali at ang pasanin ko ay magaan. Lumapit kayo sa akin, at kayo’y aking pagpapahingahin.”

Ilang beses na ba nating narinig ang salitang iyon ni Hesus? At Ilang beses ba natin itong sineryoso? Ito ay mga salita ng pagka-banayad at salita rin ng kapangyarihan. Ito ay naglalaman ng mensahe na kailangang marinig ng bawat tao ngayon at ng buong mundo. Tayo ay bumabangon sa masamang balita. Tayo ay namumuhay sa gitna ng pagkabahala. Patuloy nating nilalagpasan ang mga dumadating  na pagsubok sa ating buhay gaya na lamang ng kakulangan sa bigas, pagtaas ng presyo ng krudo, mga anomalya at iskandalo sa gobyerno at mga iba’t ibang isyu patungkol sa ating simbahan. Maging ang mga kabataan ay hindi ligtas sa mga nakakasindak na pagsubok at maaga ring nawala ang kanilang pagiging inosente sa mundo.

Ang mga salitang ito ay higit na mahalaga sa atin, sa ating patuloy na paghahanap ng pakahulugan. Sino ba ang hindi napapagod sa patuloy na pagharap natin sa ating mga problema na may kinalaman sa ating pamilya o maging sa ating trabaho at sa ating kaperahan? Sino ba ang hindi nagdadala ng problema na may kinalaman na nagdulot ng kapaitan? Ilan sa atin ay may matagal nang sakit na nagbibigay ng limitasyon sa ating kapasidad na gumalaw nang naaayon sa ating kagustuhan. Ilan sa atin ay takot at nahihiya at tayo ay umaasa na kaya nating harapin ang mundo nang may kagalakan at kompiyansa. Maraming tao ang gipit at pagod, puno ng galit at pighati. Maraming tao ang malayo ang damdamin sa Diyos at sa iba dulot ng kasalanan.

Tayo ay inaanyayahan ni Hesus na magtiwala sa kanya. Siya ay lumalapit sa atin bilang ating Tagapagligtas ngunit hindi sa kung ano ang inaasahan ng mga Isaraelita sa kanya- makapangyarihan na hari, magiting na mandirigma. Siya ay lumalapit sa atin bilang mapagkumbabang Anak ng Diyos na naghahandog na pagkakaibigan at pagmamahal at paninirahan kasama natin upang maintindihan niya ang ating mga dinaranas na magbibigay daan para sa kanya na matanto ang kanyang dapat na gawin. Alam niya na kailangan natin ng pahinga sa lahat na ating alalahanin at tayo na pinapalapit niya sa kanya.

Tayo ay manalangin ng taimtim na dala ang mga salita ni Hesus bilang salita ng pag-asa sa ating mga pagod na puso at walang pahingang mga isip. Tayo ay lumapit sa kanya sa pamamagitan ng pagsuko o paguubaya ng lahat sa kanyang mga kamay. Idulog natin sa kanya ang ating mga alalahanin, dahil siya ay Diyos na maalalahanin, ayon kay San Pedro. Sa Eukaristiyang ito, inaalay ni Hesus ang pahingang mailap sa atin sa mundong ito. Inaalay niya ang kapayapaan na karapat-dapat sa mga taong lumalapit sa kanya ng may pananampalataya. Kayo ay lumapit.. at magpahinga.