Isang lalaki ang nagpakasal sa pag-asang magkakaroon siyang ng maligayang buhay sa piling ng asawa at magiging mga anak. Subalit kaiba sa ugali niyang simple, ang asawa niya ay mahilig sa luho ng mundo. Dahil dito, iniwan ng babae ang lalaki at nag-asawa ng panibago.
Gumuho ang buhay ng lalaki. Nagdusa siya ng kahihiyan, pagtuya, tsismis, at kalungkutan dahil sa ginawa ng babae. Lalo siyang nanalangin sa Diyos na hanguin siya sa kanyang kalagayan. Biniyayaan siya ng Panginoon ng isang babaeng mabuti at simple ang puso gaya niya. Matapos ang annulment ng kanyang unang kasal sa simbahan, masayang ikinasal siya muli ngayong taon.
Ngayon ay tila mahirap makatagpo ng relasyon na perpekto, iyong laging matamis at panatag. Pati nga ang “Aldub” love team, na pinagkakaguluhan sa buong bayan ay may mga tampuhan at away din, at hindi panay sweet na dubsmash ng : “God gave me you” at “Dalin (darling), I…”
Sinasabi sa atin ng Panginoong Hesus sa Mabuting Balita ngayon (Mk 10) na huwag daw paghiwalayin ng tao ang anumang pinag-isa ng Diyos.Pero libot ng maraming panganib ang mga ugnayan ng mag-asawa ngayon – di pagkakaunawaan, mga personal na ugali o bagahe sa buhay, magkaibang pananaw, problema sa pagiging malambing o sex, galit, di pagiging tapat at iba pa. Sa kabila ng magandang intensyon ng Diyos, napakaraming mga sanhi ng pagkawasak ng magandang mga ugnayan.
Ano ang gagawin? Natural na kailangan nating ipaglaban ang ating mga minamahal. Kailangang maging handa na magsikap, magsakripisyo upang manatili ang pag-ibig. Subalit kailangan din na hingin ang pagpapala ng Diyos sa lahat ng sandali. Siya ang nag-uugnay. Siya ang nagpapatibay. Siya ang nagpapanumbalik ng pag-asa, paghilom at pagpapatawad sa mga taong nasiphayo ang puso.
Ipagdasal natin ang lahat ng mag-asawa ngayon lalo na ang nasa mahirap na sitwasyon. Ipagdasal natin ang mga nasa seryosong ugnayan. Naway basbasan sila ng Diyos ng tapang at lakas. At para sa mga dumadaan sa mapait na yugto ng buhay ugnayan, ipagdasal nating sila ay makasumpong ng pagpapanumbalik ng kaligayahang kanilang inaasam.
Ilang buwan lang ang nakalilipas nang ang isang pari ay nangangaral tungkol sa kahandaan sa kamatayan. Lingid sa kanya, biglang nakalas ang malaking krus sa altar sa likuran niya at bumagsak sa kanyang ulo,…
A few months ago, a priest in Ecuador was preaching about readiness for death. Suddenly from behind him, the huge altar crucifix fell and landed on his head, causing him to die on the…
Sa puso ng katuruang Kristiyano ay ang paniniwala sa muling pagbabalik ng Panginoong Hesukristo, sa panahong siya lamang ang nakaaalam. Pagbabalik niya, hindi ito paglalahad ng kapangyarihan. Sa halip, isang malalim na pagninilay sa…
Read more 1 min read
Need a prayer?
a prayer request
Let us pray for you.
For yourself, a loved one, or someone who is sick or has passed. Father will remember it in prayer and at Mass.
Your prayer request has been sent.
Father will remember your intention in prayer and at Mass.