Home » Blog » REFLECTIONS ON DAILY READINGS NOV. 16-30 (ENGLISH AND TAGALOG)

REFLECTIONS ON DAILY READINGS NOV. 16-30 (ENGLISH AND TAGALOG)

 

the “Blessing St. Joseph”

November 16, 2022 Wednesday

 

Lk 19: 11-28

 

At first I thought it was really unfair that those who have be given more, and those with none be compelled to give up what little they still have. That is the purpose of the parable; it is meant to cause us to react, to look closely, and then to understand. The message here is resourcefulness in the kingdom of God. those who use their gifts and talents give glory to God while those who remain idle and complacent insult the generosity of God who distributes gifts to all. What are you doing with the talents at your disposal? Do you glorify the Lord by using wisely his gifts?

 

Sa unang tingin tila hindi patas: ang mayroon bibigyan pa ng marami, at ang wala ay kukunan pa ng anumang maliit na natitira sa kanya. Ito ang layunin ng talinghaga: pukawin tayong magulat, mag-isip at umunawa. Ang aral sa ebanghelyo ay tungkol sa pagka-maparaan ng tao sa kaharian ng Diyos. Ang mga gumagamit ng mga kaloob at talentong galing sa Diyos ay lalong pagpapalain dahil niluluwalhati nila ang Panginoon; ang tatamad-tamad sa pagpapalago ng kaloob ng Diyos ay salungat sa kalooban ng Diyos at insulto sa pagka-mapagbigay ng Panginoon. Ano ang ginagawa mo sa mga kaloob ng Diyos sa buhay mo? Niluluwalhati mo ba ang Panginoon sa mabuting paggamit ng mga kakayahan mo?

 

November 17, 2022 Thursday

 

Lk 19: 41-44

 

This gospel shows a rare moment of Jesus displaying his emotions. The Lord cried over Jerusalem for the opportunity wasted, the lost chance, the squandered moment of grace. God has visited his people and they ignored his presence and his voice. They have missed the chance to have real peace. Today let us appreciate how the Lord loves us and cares for us and strive for reciprocate with grateful, humble hearts instead of sinful, stubborn hearts.

 

Sa mabuting balita, nakikita ang bihirang sandali kung saan nagpakita ng damdamin ang Panginoong Hesus. Umiyak siya para sa Herusalem dahil sa oportunidad na nawala, pagkakataong pinalampas at biyayang sinayang nito. Dumalaw ang Diyos sa kanyang bayan sa katauhan ni Hesus at hindi pinansin ang kanyang presensya at ang kanyang tinig. Nakawala ang pagkakataong magkaroon ng kapayapaan. Sa araw na ito, pahalagahan natin kung gaano tayo kamahal ng Panginoon at magsikap na tumugon nang may pusong mapagpasalamat at mapagkumbaba.

 

November 18 Friday

 

Lk 19: 45-48

 

People were coming to the temple area for reasons other than the desire to worship the Lord. For this reason, Jesus was enraged and he proceeded to drive the sellers out. Clearly the Lord is displeased with the idea of using religious façade to conceal materialistic or commercialistic motives. His presence and teaching in the temple made people realize the value of true worship, deep prayer and meaningful relationship with God. Do we go to church with the sole purpose of honoring the Lord and surrendering our lives to him?

 

Nagpupunta ang ilang tao sa templo sa dahilang taliwas sa pagsamba sa Panginoon. Dahil dito, nagalit si Hesus at pinalayas niya ang mga nagtitinda doon. Malinaw na hindi nalulugod ang Panginoon sa paggamit ng relihyon bilang balatkayo sa tunay na pakay na makamundo at makasarili. Ang presensya ng Panginoong Hesus at ang pagtuturo niya sa templo ang nagpaunawa sa kanila ng halaga ng pagsamba, taimtim na panalangin at makabuluhang ugnayan sa Diyos. nagpupunta ba tayo sa simbahan dahil nais nating parangalan ang Panginoon sa ating buhay at isuko ang ating buhay sa kanya?

 

 

November 19, 2020 Saturday

 

Lk 20: 27-40

 

Perhaps Jesus was so amazed at the mentality of the Sadducees in today’s gospel. They were so caught up in their rusty and entrenched mentality that they wanted to apply the laws of this world to the laws of eternal life. They thought that in heaven, souls would still be concerned about marital affairs! The Lord Jesus tried to elevate their level of thinking hoping their minds would be opened to the new teachings of the gospel. Are we also clinging to some old patterns of thought, superstitions, or baseless principles? Maybe it’s time to explore the truth and become free!

 

Palagay ko nagulat talaga si Hesus sa pag-iisip ng mga Saduceo. Masyado silang nakapako sa kanilang kinakalawang na pag-iisip na gusto nilang ilapat ang batas ng mundo sa kalakaran sa langit. Akala nila ang mga kaluluwa sa kabilang buhay ay abala sa mga alalahanin ng pag-aasawa. Pinilit ng Panginoon na itaas ang antas ng kanilang pag-iisip sa pag-asang mabubuksan pa ito sa bagong mensahe ng ebanghelyo. Baka naman tayo din ay kumakapit pa sa lumang kaisipan, pamahiiin at mga prinsipyong walang basehan. Panahon na siguro upang hanapin ang katotohanan at maging malaya!

 


 

November 21, Monday

 

Lk 21; 1-4

 

The widow very discreetly dropped her two small coins; the rich ostentatiously gave their donations for people to see and admire. Jesus however was more impressed not with the quantity but with the quality of the giving. He did not look at the amount of money coming in. he saw through the heart and saw the amount of love the poor woman had for God and his temple. Give not so as to be noticed; give as an expression of true love for God!

 

Ang balo ay palihim na naghulog ng dalawang kusing niya sa templo; ang mayayaman ay masayang ipinakita sa iba ang malalaki nilang donasyon. Subalit hindi nalugod ang Panginoong Hesus sa “dami” kundi sa “diwa” ng pagbibigay. Hindi niya sinilip ang halaga ng salaping pumapasok. Ang tinitigan niya ay ang puso at nakita niya ang pagmamahal ng babaeng balo para sa Diyos at sa kanyang templo. Magbigay hindi upang mapansin; magbigay bilang pagpahahayag ng wagas na pagmamamahal!

 

 

November 22, Tuesday

 

Lk 21: 5-11

 

The Jews valued the Temple as the place of encounter between God and his people. it is no wonder then, that they lavishly decorated it with gold and precious stones. The Lord Jesus however pierced through the future and foretold how even the most cherished place of worship will one day disappear. And in time, it really did. The things we value today are all ephemeral, passing and fleeting. Hold on to the Lord and to his Word for these alone guarantee life and eternal life.

 

Mahalaga ang Templo sa mga Hudyo dahil ito ang tagpuan ng Diyos at ng mga tao. Hindi nakapagtataka na lagyan ito ng palamuting ginto at mga mahahalagang hiyas. Ngunit nabanaag ng Panginoong Hesus ang kinabukasan at nakitang maging ang pinakatatanging lugar na ito ay guguho at maglalaho din. At sa takdang panahon, naganap nga ito. Ang mga iniingatan natin ngayon ay lumilipas, kumukupas, at nagwawakas. Kumapit lagi sa Panginoon at sa kanyang Salita na siyang tunay na makapagdudulot ng makabuluhang buhay ngayon at walang hanggang buhay sa darating na panahon.

 

 

November 23, Wednesday

 

Lk 21: 12-19

 

The Lord Jesus warns his disciples of the coming persecution; those who follow him will meet with opposition and personal tribulations on account of their fidelity to him. Through the centuries Christians suffer for their faith and it still happens today in countries like China, Nigeria and Nicaragua. Can we offer a special prayer and make a little sacrifice for Christians, especially the Catholics, who are deprived of religious freedom and are oppressed by governments and militant groups?

 

Nagbabala ang Panginoong Hesus sa mga alagad na darating ang pag-uusig; ang mga tagasunod niya ay sasabak sa pagsalungat at sa mga personal na pasanin dala ng kanilang katapatan sa kanyang salita at kalooban. Sa haba ng panahon, nagdusa ang maraming mga Kristiyano para sa kanilang pananampalataya at hanggang ngayon nagaganap pa din ito sa mga bansang tulad ng China, Nigeria at Nicaragua. Maaari ba tayong mag-alay ng panalangin at munting sakripisyo para sa mga Kristiyano, lalo na sa mga Katoliko, na hinihigpitan sa kanilang kalayaang sumamba at sinusupil ng mga pamahalaan at mga grupong militante?

 

November 24, Thursday

 

Lk 17: 11-19

 

Gratitude is the remembrance of the heart. The grateful leper brought consolation to the Lord Jesus as this is how people should reciprocate the graciousness of God. However Jesus still looked for the other nine who failed to acknowledge the great miracle that happened to them. Do you have the joy and appreciation of the grateful leper or have you forgotten to be thankful to God or the people who show care and affection to you each day?

 

Ang pasasalamat daw ay ang ala-ala ng puso. Ang mapagpasalamat na ketongin ang nagbigay sa Panginoong Hesus ng saya dahil ganito naman talaga dapat tumanaw ang tao ng utang na loob sa pagbibiyaya ng Diyos. Subalit hinahanap pa din ng Panginoon ang siyam na hindi nakaalalang magpasalamat sa himalang naranasan nila. Mayroon din ba tayong galak at pagpapahalaga ng tulad sa ketonging nagpasalamat o baka malilimutin na tayong magbalik-tanaw sa Diyos o sa mga taong nagpapadama sa atin ng kalinga at pagmamahal bawat araw?

 

November 25, Friday

 

Lk 21: 29-33

 

“Heaven and earth will pass away…” There is so much truth in these words. already we see how nature and human actions can eradicate landscapes, species, and cultural treasures around us. we can even, in an instant, destroy populations and nations. “But my words will not pass away…” Jesus is the same yesterday, today and forever, and only he can deliver us from spiritual death and moral destruction. Let us renew our trust in the power and love today.

 

“Ang langit at lupa ay lilipas…” Malaking katotohanan ang nasa mga salitang ito. Alam nating maging kalikasan o kilos ng tao ay kayang-kayang wasakin ang mga tanawin, mga hayop at halaman, at kahit na ang mga yamang kultural ng pamayanan. Sa isang iglap, kaya nating gunawin ang mga bansa at ang mga populasyon ng mundo. “Subalit ang mga salita ko ay hindi lilipas…” Si Hesus ay nananatili kahapon, ngayon, at bukas, at siya lamang ang may kapangyarihang iligtas tayo sa kamatayang espirituwal at pagkawasak na moral. Sariwain natin ang ating tiwala sa kanyang kapangyarihan at pagmamahal ngayon.

 

November 26. Saturday

 

Lk 21: 34-36

 

In life we will always be surrounded by trials, tribulations and temptations. The enemy of human salvation is always observing when we let down our guard and where our weakness lies. The only defense is vigilance, the readiness to always protect the spiritual treasure we have received from the Lord. how ready are you for the time of testing?

 

Sa buhay natin, laging may pagsubok, hilahil, at mga tukso. Ang kaaway ng kaligtasan ng tao ay laging nagmamatyag kung ibababa natin ang ating depensa at kung ilalantad natin ang ating kahinaan. Ang tanging pananggalang natin ay kahandaan, ang pagiging handa na ingatan ang ating kayamanang espirituwal na tinanggap mula sa Panginoon. Gaano kaya tayo kahanda kapag dumating ang panahon ng pagsubok?

 


 

November 28 Monday

 

Mt 8: 5-11

 

The centurion earned the admiration of the Lord Jesus on two counts: he had gentle love for his servant who was paralyzed, and he had the attitude of humility before God. Jesus saw in him a truly sincere and compassionate person. May we too have genuine concern for those who suffer especially within our households, and be truly humble when we approach God in prayer for them.

 

Hinangaan ng Panginoong Hesus ang lider ng mga sundalo sa dalawang kadahilanan: may malasakit siya sa kanyang alipin na paralisado, at may kababaang-loob siya sa harap ng Diyos. Nakita ni Hesus sa kanya ang isang tapat at maawaing tao. Nawa tayo din ay magkaroon ng tunay na malasakit sa mga nagdurusa lalo na iyong mga kasama natin sa tahanan, at maging mapagkumbaba sa tuwing lumalapit tayo sa Diyos sa panalangin.

 

November 29 Tuesday

 

Lk 10; 21-24

 

Why does God reveal his mysteries to the childlike? In the course of history, we find children who have been entrusted with apparitions, visions, and messages from the Lord. This also happens among the poor. This is the God-principle – that he breaks open the contents of his heart to the lowly. The Lord Jesus himself will come in the form of a child and in the reality of a simple life. what does this God-principle invite us to do?

 

Bakit ibinubunyag ng Diyos ang kanyang mga hiwaga sa mga tulad ng bata? Sa kasaysayan, mga bata ang karaniwang pinagkakalooban ng aparisyon, visions, at mga mensahe ng Panginoon. Nagaganap din ito sa mga dukha. Ito ang “prinsipyo ng Diyos” – na binubuksan niya ang laman ng kanyang puso sa mga aba at mabababa. Mismong ang Panginoong Hesus ay dumating bilang isang sanggol at sa gitna ng buhay na payak. Ano kaya ang hamon sa atin ngayon ng prinsipyong ito ng Diyos?

 

November 30 Wednesday

 

Mt 4: 18-22

 

Andrew was the brother of St. Peter, although he is eclipsed by the popularity of his brother. The Lord Jesus found them together one day and invited them to follow him. Tradition holds that Andrew preached the gospel to the gentiles and earned his glorious martyrdom by crucifixion in an X-shaped cross. he is venerated in the Orthodox Churches as the apostle and patron of Constantinople. St. Andrew help us to remain steadfast in the faith and to bear daily witness to the Lord.

 

Si San Andres ay kapatid ni San Pedro, bagamat nahigitan siya sa katanyagan ng kanyang kapatid. Natagpuan ng Panginoong Hesus ang dalawang ito at tinawag na sumunod sa kanya. Ayon sa tradisyon, nangaral ng ebanghelyo si Andres sa mga pagano hanggan matamo niya ang luwalhati ng pagka-martir sa kamatayan sa isang krus na korteng ekis (x). Pinararangalan siya ng mga simbahang Ortodoso bilang apostol at patron ng Constantinople. San Andres, tulungan mo kaming manatiling matatag sa pananampalataya at magbigay saksi sa Panginoong Hesus bawat araw ng aming buhay.