Home » Blog » REFLECTIONS ON DAILY READINGS JANUARY 16-31 (ENGLISH AND TAGALOG)

REFLECTIONS ON DAILY READINGS JANUARY 16-31 (ENGLISH AND TAGALOG)

 

 Reflections written by: Bro. Albert Zabala

translated by: ourparishpriest 2023

 

January 16

Mk 2:18-22

 

Conversion is a 180-degree turn. It is a change of mind, heart and behavior to the opposite side. If you’ve been badly behaving, conversion means behaving in a good way. Today’s gospel talk about fresh wineskins and old wine. They don’t mix. If they’re combined, both will be ruined. How is your behavior? Do you behave as a good Christian would? Today, ask Jesus that He help you become new and better. After all, He makes all things new.

 

Ang pagbabalik-loob ay isang buong pag-ikot, isang pagbabago ng isip, puso at kilos na kabaligtaran ng dati. Kung masama ang kilos mo dati, ang pagbabalik-loob ay nangangahulugang kikilos ka na ngayon nang tama. Ang bagong alak at lumang sisidlan ay hindi magkatambal dahil masisira ang isa kung sila ang pagsasamahin. Paano ang kilos mo? Ayon ba ito sa pagiging mabuting Kristiyano? Hilingin sa Panginoong Hesus na tulungan kang tunay na magbago. Siya ang may kapangyarihang magpanariwa ng lahat.

 

January 17

Mk 2:23-28

 

Obedience is demanded by God because He knows that by obeying Him, we become better. He doesn’t want us to obey simply for the sake of obedience. Unfortunately, the Pharisees in today’s Gospel loved the law so much that they want obedience only for obedience’s sake and not for the purpose or the spirit of the law. Let’s be reminded today of that spirit of God’s commandments and His demand for us to obey them: love that leads to our betterment.

 

Kailangan ang pagsunod sa Diyos dahil ito ang nakapagpapabuti sa atin. Hindi tayo sumusunod lamang para sumunod sa kanya. Subalit para sa mga Pariseo, ganito ang pagsunod sa Diyos – basta masabi lamang na sumunod sa letra ng kautusan at kahit hindi sa tunay nitong diwa. Tandaan natin ngayon ang diwa at dahilan ng pagsunod: ito ay pag-ibig na nagpapabuti sa atin.

 

January 18

 

Every time is a time for doing the good, regardless of circumstances and perspectives. Good is good. You and I are all made in God’s image and likeness. We are not just good, but we deserve the good. Nowadays being good and doing the good can be difficult. Thank God for His grace that despite everything, we are still good even if sometimes, we don’t feel so and can’t seem to do so.

 

Anumang oras ay oras para sa paggawa ng kabutihan, anuman ang pananaw at pangyayari. Ang mabuti ay mabuti. Tayo ay nilikha sa larawan at wangis ng Diyos. hindi lamang tayo mabuti kundi karapat-dapat sa mabuti. Sa panahon ngayon, ang pagiging mabuti at paggawa ng mabuti ay mahirap. Salamat sa biyaya ng Diyos na sa kabila ng lahat, mabuti pa rin tayo kahit pa minsan hindi natin ito nararamdaman o hindi natin ito magampanan.

 

January 19

 

In today’s Gospel, even if Jesus “withdrew from the crowd,” His mind was still occupied with how He could help them. That is the kind of God that  we have. He is a God who is 100% occupied with ways to bless us. He does not withdraw His grace. He is always available. May we realize that we can always go to Jesus who will hear us no matter what.

 

Sa mabuting balita, kahit na si Hesus ay lumayo sa madla, ang isipan niya ay puno pa din ng kung paano niya sila tutulungan. Ganyan ang ating Diyos. Siya ang Diyos na siyento por siyento kung magbasbas sa atin. Hindi niya inaalis ang kanyang biyaya. Lagi siyang bukas sa atin. Maunawaan nawa nating lagi tayong maaari lumapit sa Panginoon na nakikinig sa ating anuman ang pangyayari sa ating buhay.

 

January 20

 

If you look at the list of Apostles that Jesus chose in the Gospel, you will see different characters with different traits, strengths and weaknesses. He even chose a would-be traitor. Jesus indeed has room for everyone. He has room for you and me regardless of our characteristics. He knows us and yet chooses us. Why? Well, He knows that we are really innately good and sometimes it’s we who forget our God-given goodness. His choice of us reminds us of our goodness again.

 

Kung titingnan ang listahan ng mga apostol na pinili ng Panginoong Hesus, iba’t-iba sila ng gawi, lakas, at kahinaan. Kasama pa nga dito ang isang magiging traydor sa kanya. May puwang tayong lahat sa puso ng Panginoong Hesus. May puwang siya para sa iyo anumang mga katangiang taglay mo. Kilala ka niya at pinili ka niya. Bakit? Dahil alam niyang likas kang mabuti at ito ang madalas nating makalimutan. Ang pagpili niya sa atin ang nagpapaalala sa atin ng ating kabutihan.

 

January 21

 

When a person has a vision and mission and is committed to fulfilling them, he will really be deemed crazy by his loved ones: family, relatives and friends. In today’s Gospel, we are told that Jesus was labeled as crazy because he welcomed everyone particularly those who needed Him the most. Jesus knew His mission and fulfilled it at all costs regardless of what His so called “relatives” called Him. Let’s pray that we could also have that fortitude to carry out our own mission in life.

 

Kapag may pananaw at misyon ang isang tao at nakatalaga siyang gampanan ito, pagkakamalan siyang baliw, kahit ng kanyang mga tinatawag na mga kaanak: pamilya, kamag-anak, kaibigan. Sa mabuting balita, itinuring ang Panginoong Hesus na baliw dahil sa pagtanggap niya sa lahat ng tao lalo na ang mga higit ang pangangailangan sa kanya. Alam ni Hesus ang kanyang misyon at ginawa niya ang lahat upang matupad ito anuman ang isipin ng mga tao sa paligid niya. Magkaroon nawa tayo ng tulad na tapang upang isakatuparan ang ating misyon.

 

January 22

 

“Repent for the kingdom of heaven is at hand” (Matt. 4:17) We all belong to the Kingdom of heaven, but our sins do not. We can’t be sinful and be in heaven at the same time. But heaven is not just a place in the future after we die. Heaven can be here and now if we reject sin and constantly choose God. God wants heaven for us. He wants us to be with Him. Yet God is so good that we always have what we choose. So let’s choose Him because we can have Him and enjoy His loving presence 24/7.

 

“Magsisi kayo dahil narito na ang Kaharian ng langit” (Mt 4: 17). Lahat ay kabilang sa kaharian ng langit, maliban lamang ang ating mga kasalanan. Hindi maaaring sabay na makasalanan at makalangit din. At ang langit ay hindi lugar na pupuntahan natin matapos mamatay. Narito na ito ngayon at dito, kung itatakwil natin ang kasalanan at pipiliin ang Diyos palagian. Langit ang nais ng Diyos para sa atin. Nais niyang makapiling tayo. Subalit sa kanyang kabutihan, malaya din tayong pumili. Kaya piliin natin ang Panginoong Hesus dahil makakamtan natin siya at malalasap ang pagmamahal sa kanyang piling sa bawat sandali.

 

January 23

 

Do you feel overcome by your weaknesses? And when you are overcome by them, how do you respond to it? Today’s Gospel reminds us that we get strength from the Holy Spirit. If you feel discouraged because despite your efforts to be better spiritually you still fail, ask for the Holy Spirit. He will surely come. Realize that we can only overcome our weaknesses through the help of God. We can’t do it alone. We have a God who will help us in all our needs particularly our spiritual needs to grow ever closer to him.

 

Tila nagugupi o natatalo ka na ba ng mga kahinaan mo? Kapag ganun, ano ang ginagawa mo? Sa mabuting balita ngayon, ang paalala sa atin ay humugot ng lakas sa Espiritu Santo. Kung nanghihina ang loob dahil tila lahat ng ginagawa mo laban sa iyong mga kahinaan at para sa iyong pag-unlad espirituwal ay tila walang bisa, tumawag sa Espiritu Santo. Tiyak siyang darating. Tanging sa tulong lamang ng Diyos magagapi natin ang ating mga kahinaan. Hindi natin kayang mag-isa sa bagay na ito. May Diyos na tutulong sa ating mga pangangailangan lalo na sa larangan ng paglagong espirituwal.

 

January 24

 

Jesus wants us to be close to Him. How? By doing His will. This is the message of today’s Gospel. Yes, often it is difficult to do His will, but please be reminded today that if we just come to Him with humility and tell Him of our difficulty, He Himself will grant us the grace to do His will. Nothing is impossible with God. So there’s nothing impossible if we ask Him to help us do His will so that we can be closer to Him and become His family.

 

Nais ng Panginoong Hesus na maging malapit tayo sa kanya. Paano? Sa pagtupad ng kanyang kalooban. Ito ang mensahe ng mabuting balita ngayon. Oo nga at minsan mahirap tuparin ang kanyang kalooban subalit alalahaning kapag may kababaang-loob na humingi ng tulong at ipinagtapat sa kanya ang lahat, siya ang magbibigay ng biyaya na gampanan ang kanyang kalooban. Walang imposible sa Diyos, lalo na kung magtitiwala tayo sa kanyang tulong na tuparin ang kanyang ninanais para sa ating buhay, para sa ating pagiging malapit sa kanya at sa kanyang pamilya.

 

January 25

 

If you’re a baptized Catholic Christian, then you have the power to talk about Jesus. Today’s Feast and Gospel remind us about this. We are baptized so that we can bring other people closer to God. Or at least, we are tasked, as Christians, to acknowledge that there is a God out there who loves us, and to share that fact to others. But before we can do that, we need to have a genuine personal encounter with Jesus. Ask for the grace for that genuine encounter with Him. Nobody was ever the same after Jesus is encountered. Saul became Paul because of this encounter. You too can change.

 

Bilang isang Katolikong Kristiyano, may kapangyarihan kang magsalita tungkol kay Hesus. Iyan ang mensahe ng mabuting balita at ng pista ngayon ni San Pablo Apostol. Binyagan tayo kung kaya may kakayahan tayong mag-akay ng kapwa sa Diyos. May atas tayo, bilang mga Kristiyano, na kilalanin ang Diyos na nagmamahal sa atin, at ibahagi ang katotohanang ito sa iba. Bago natin magawa ito, kailangan muna siyempre ang isang personal na pakikipagtagpo sa Panginoong Hesus. Ito ang hilingin nating biyaya. Walang tao na hindi nagbago matapos niyang makatagpo ang Panginoon. Si Saulo ay naging Pablo dahil dito. Ikaw din, may pagkakataong magbago tulad niya.

 

January 26

 

Each of us has gifts that we can share with others. Do you know what your gift is? And if you do, do you want that gift to be cultivated and multiplied? Then, share it. There are a number of musicians who are popular now because they have shared their talent with others. Others even started out in church choir. This is the message of today’s Gospel. We have to be responsible for the gifts that God has given us because that is the way to bless others as well.

 

Bawat isa ay may mga kaloob na maibabahagi sa iba. Alam mo ba ang mga kaloob mo? Kung alam mo, nais mo ba itong palaguin at dagdagan pa? Kung gayon, ibahagi mo ito. Maraming mga musikero na popular na ngayon dahil ibinahagi nila ang kanilang talento sa iba. Ang iba ay nagsimula pa nga sa pagkanta sa simbahan. Ito ang buod ng mabuting balita. Kailangang panindigan natin ang anumang kaloob ng Diyos sa atin dahil ito ang ating paraan naman ng pagpapakalat ng mga pagpapala sa mundong ito.

 

January 27

 

It is said that the aim of life is not perfection but progress. We grow not by miles but by inches. The Gospel reminds us of this truth. We constantly change and mostly for the better because if we know how to learn from our mistake then that in itself is progress. We might think it’s a backward step, but sometimes, our mistakes can propel us to further growth than our non-mistakes. Don’t be afraid of mistakes, just lift them up to God and remember that God can write straight with crooked lines.

 

Sinasabing ang layunin ng buhay ay hind maging perpekto kundi unti-unting pag-usad. Naglalakbay tayo hindi bawat kilometro kundi bawat isang hakbang lamang. Paalala sa atin ng mabuting balita na lagi tayong nagbabago, at nagbabago tungo sa kabutihan, dahil kung alam natin kung paano matuto sa ating mga kamalian, ito mismo ay isa nang pag-unlad. Maaaring akala natin ay paatras ang hakbang natin, subalit minsan, ang mismong pagkakamali pala ang siyang magtutulak sa atin na lumago pa nang higit sa inaasahan. Huwag matakot magkamali, basta itaas sa Diyos ang lahat, at tandaang kaya ng Panginoong Hesus na ituwid maging ang mga liku-liko nating landas.

 

January 28

 

“Be quiet!” Sometimes, if not often, that’s just what we need to tell ourselves if we feel anxiety and restlessness. Indeed, silence is gold, just like time is, especially nowadays when there is so much noise around us. May we take time to be silent often so that we may be filled with the peace that only God can give, the peace that surpasses all understanding.

 

“Tumahimik ka!” Minsan, kung di man kadalasan, iyan ang dapat nating sabihin sa ating sarili kapag nababagabag tayo at nag-aalala. Totoong ang katahimikan ay ginto, tulad ng panahon, lalo na ngayong sobra ang ingay sa paligid natin. Maglaan nawa tayo ng oras upang manahimik lagi upang mapuno tayo ng katahimikan na Diyos lang ang makapagbibigay, ng kapayapaan na higit sa ating pang-unawa.

 

January 29

 

The beatitudes in the Gospel are not only seemingly contradictory to our lives, but also actually counter-cultural. How can one feel blessed if he is mourning, for example? The current culture might think we are crazy if we still feel blessed when we’re suffering a loss. But the Christian way of life is really counter-cultural and so the blessings that this God brings to us are also beyond the culture’s imagination. We can only understand the feeling of being blessed if we know the Giver of blessing – Jesus.

 

Ang turo tungkol sa “mapapalad” ay tila taliwas sa ating buhay, at totoong kabaligtaran ng sinasabi ng lipunan. Paano ba, halimbawa, magalak kung ang isang tao ay nagluluksa? Ang ating kapaligiran ay mag-iisip na baliw tayo kung mapalad ang pakiramdam natin sa gitna ng isang malaking pagkasiphayo. Subalit ang buhay-Kristiyano ay talagang kabaligtaran ng mundo at kaya ang mga pagpapala ng Diyos ay lampas sa pang-unawa ng ating kultura at lipunan. Madarama lamang natin ang pagiging mapalad kung kilalan natin ang Siyang nagpapamudmod ng biyaya – si Hesus!

 

January 30

 

The episode in today’s Gospel has been interpreted and represented in so many movies. It is so because of the terror and horror that possession engenders from its viewers. It seems that in these movies, the devil is the protagonist. But let’s not forget that God is always the protagonist and He is always victorious over the antagonist, the enemy or the devil. Hence, we need to focus more on Jesus, on God. There can be no terror or horror if we just have our hearts and minds fixed on Jesus.

 

Ang tagpo sa mabuting balita ngayon ay isinalarawan na sa maraming pelikula. Ang sindak at katatakutan ng pagsanib ng masamang espiritu ay nagbibigay ng takot ay nagpapatindig ng balahibo ng mga manonood. Sa pelikula, tila ang bida ay ang demonyo. Subalit huwag nating kalilimutang ang tunay na laging Bida ay ang Diyos lamang, na matagumpay laban sa kaaway, ang demonyo. Kaya nga, itutok natin ang pansin sa Panginoong Hesus, sa ating Diyos. Mapapawi ang takot at sindak kung ang puso at isip ay pirming nakatuon sa Panginoong Hesus.

 

January 31

 

When we go visit a Catholic church, we often see people touching the images of saints like the Blessed Virgin Mary, St. Padre Pio, Sacred Heart, etc. Today’s episode of the Gospel, we see a woman, suffering from 12 years of hemorrhages, touch Jesus cloak and is instantly healed. Jesus notices that and says that it was her faith that made her well. It wasn’t Jesus cloak that healed her, but her faith. Similarly, it is not the images that would heal us or answer our prayers, it is our faith. And these images help us strengthen our faith as well.

 

Sa pagdalaw sa mga simbahang Katoliko, makikita natin ang mga tao na humahaplos sa mga imahen ng mga santo. Sa mabuting balita, isang babaeng nagdurusa ng 12 taon ang humawak din sa kasuotan ng Panginoong Hesus at biglaang gumaling. Napansin ng Panginoon ang ginawa niya at sinabing ang kanyang pananampalataya ang humilom sa kanya. Hindi ang damit ni Hesus ang nagpapagaling, kundi ang pananampalataya. Gayundin, hindi ang mga imahen ang nagdadala ng biyaya kundi ang pananampalataya. Ang mga imahen ay mga banal na paalala lamang at tulong lamang sa pagpapatatag ng pananampalataya natin.

 

#ourparishpriest 2023