Home » Blog » KATOLIKO: MAJORITY RELIGION PA RIN SA PILIPINAS

KATOLIKO: MAJORITY RELIGION PA RIN SA PILIPINAS

Sa pinakahuling census sa Pilipinas na ginawa noong 2020 at inilabas nitong Feb. 2023, lumalabas na Katoliko pa din ang majority ng ating mga kababayan. (https://psa.gov.ph/content/religious-affiliation-philippines-2020-census-population-and-housing). Sa 108.8 milyong Pilipino, 85.6 milyon ang nagsabing sila ay Katoliko (78.8%), 6.9 milyon naman ang nagsabing sila ay Muslim (6.4%) at 2.8 milyon ang miyembro ng Iglesia ni Cristo (2.6%). Mula sa sinundang survey noong 2015, bumaba ang porsyento ng mga Katoliko mula 79.5%, tumaas naman sa mga Muslim at bumaba din nang bahagya sa Iglesia ni Cristo.

Ang Bicol region ang may pinakamaraming Katolikong pamilya sa bansa kasunod ang Eastern Visayas at Central Visayas. Bangsamoro Autonomous Region sa Mindanao naman ang region na may pinakamaliit na bahagdan ng mga Katolikong Pilipino.

Ang pinaka-Katolikong lungsod ay Mandaue City, kasunod ang Cebu City at Tacloban City. Albay naman ang probinsyang may pinakamaraming Katolikong residente.

Sa kabuuan, mula 2015 hanggang 2020, tumaas ng 5 milyon ang bilang ng mga Katoliko. Sa buong mundo, ang Pilipinas ang ikatlong bansa na may pinakamaraming Katoliko, kasunod ng Brazil at Mexico (https://worldpopulationreview.com/country-rankings/highest-catholic-population).

Photo from Christianity Today