Home » Blog » MOTHERS’ DAY SA LANGIT

MOTHERS’ DAY SA LANGIT

Di man makita o marinig kaya

O mabanaag ngiting kayganda,

Patuloy na ka-agapay tuwina

Tulad ng dati lagi mong gawa.


Nakinig sa bawat kong balita

Pinunasan patak ng luha;

Yakap na nagpakalma

Takot ko’y pilit inunawa.


Nga lang at hindi makita ng mata

O mamasdan maamo mong mukha,

Kung sa dalangin naman tawagin ka

May tugon sa paraang mahiwaga.


Pagmamahal mo patuloy nadarama

Tinig mo’y buhay sa aking gunita.

Sa mundo, Ina, ikaw man namayapa,

Nakaukit sa puso dulot mong ligaya.


(adapted from English, Irene Connor)