ANG TUNAY NA KAIBIGAN
PAANO MAGKAROON NG TUNAY NA PAGKA-KAIBIGAN
“Bakit malungkot ang beshie ko?” – isang masaya at pabirong slogan ngayon. Pero teka, mag-isip nga tayo. Mabuti ka bang kaibigan? Sa tingin mo ba ay nakabubuti sa iyo ang iyong mga kaibigan at kabarkadang nakapalibot sa iyo ngayon?
Paano ba dapat mahalin ang isang kaibigan? Para kay San Agustin, dapat mahalin ang kaibigan bilang pag-aari ng Diyos, at hindi “atin” – bilang kalakbay sa buhay, kasama nang ilang panahon, subalit, nang dahil sa ating pagmamahal, hindi maaaring kapitan at pigilang makarating sa, at maabot ang, kanilang hantungan. At kung masumpungan nila ang pakay nilang ito, dapat tayong magsaya para sa kanila, sa pang-unawa na kapiling pa din natin sila sa pinagsasaluhang pag-ibig ng Diyos – isang pag-ibig na lubhang dakila na hindi malulupig ni ng kasalanan man o ng kamatayan. Subalit kung wala ang Diyos, kung walang Diyos na namatay at ngayo’y buhay at kapiling ng Ama sa kanyang kanan sa kaisahan ng Espiritu ang kaibigan ay mananatiling tila patay lamang at mawawala na lang sukat.
Tulad ng anumang nilikha, ang mga kaibigan ay mabuti, subalit hindi sila kumpleto o ganap. Sila ay may hangganan, at tayo ay nilikha para sa walang hanggang kabutihan, at “ito” lamang ang makapupuno sa atin. Kung aasa tayong ang mga nilikha, maging mga kaibigan, ay makapupuno sa atin sa paraang Diyos lamang ang makagagawa, ito ay pag-aasam nang labis sa kaya nilang ibigay at isang paglimot sa tunay nilang kabutihan. Tulad ng lahat ng nilikha, ang mga kaibigan ay dapat magturo sa atin ng landas patungo sa Diyos na lumikha, tumubos at nagtataguyod sa atin. Ang ating pagpupunyagi sa katotohanan, kabutihan, at pagmamahal ay nakabatay dito. Maliban dito, wala tayong silbi, o baka mas masahol pa sa walang silbi, sa ating itinuturing na mga kaibigan.
Nagiging tunay na magkakaibigan at ginagawa nila ang dapat nilang gampanan sa buhay, kung ang mga tao ay kapwa nag-aakay sa isa’t-isa sa Diyos.
Sinangguni: Randall Smith, Augustine ang the Trials of Fallen Friendship (Church and Life Journal) Salamat po! ourparishpriest 2023