San Francisco de Sales 6: MAGPASENSYA… UMAGA AT GABI
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 6
Marami ang nagkakamali na bumuo ng kanilang buhay espirituwal sa gitna ng mga mahahalagang krisis at malalaking oportunidad sa kanilang buhay, na bihirang namang maganap.
Tuloy hindi tayo nagiging handa na asikasuhin at pakinabangan ang mga mumunting bagay na inilalahad sa atin bawat araw.
Tunay na mas mainam kung magbabawas ng pansin sa mga malalaki subalit bihirang pangyayari, at ihanda na lang ang sarili at mas gawing bukas sa mga malimit na maliliit na bagay na siyang sangkap ng ating pang-araw araw na buhay.
Tinatawagan tayong lahat na magsikap tungo sa kabanalan gaya ng sinasabi sa atin ng Panginoong Hesus at ni San Pablo.
Subalit dapat nating tandaan na ang kabanalan ay binubuo ng pagtupad sa kalooban ng Diyos, ng paggamit ng kalooban niya bilang pamantayan ng lahat ng ating mga pasya, malaki man o maliit.
Lalayuan natin ang anumang nais ng Diyos na iwasan at gagampanan naman lahat ng nais niyang marating natin sa kanyang ngalan.
At gagawin natin ito hindi lamang sa mga malalaking bagay at mga seryosong pagsubok kundi pati sa mga maliliit na problema at munting mga pagkakataon.
Isang mahalagang bagay, at tunay na madamdamin, ang maghanda para sa isang mabuting kamatayan, subalit kasing halaga din nito ang maging handa, kalakip ng maraming pagpapapasensya, na harapin ang bawat araw at ang mga tila walang kuwentang mga pagsubok na dala nito.
Sa buong maghapon:
MAGPASENSYA AT MAGTIMPI NG SARILI… ARAW AT GABI
–>