San Francisco de Sales 8: ANG PAGIGING PERPEKTO AY MAKAPAGHIHINTAY
BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 8
Huwag isiping kaya mong pagwagian ang iyong mga kahinaang naipon ng mahabang panahon, o kaya ay maging ganap na banal at mabuti matapos mong mapabayaan nang matagal ang pakay na ito.
Matiyagang maghintay.
Habang tayo ay nabubuhay dadalhin natin ang kahinaan natin, ang mga hangganan ng ating pagkatao.
Ang pagiging perpekto ay dapat maghintay sa susunod na buhay, sa ibang mundo.
Siyempre, pinagaling ng Diyos ang ibang tao nang biglaan, na walang naiwang bakas ng kanilang mga pagkakamali.
Tulad ni Maria Magdalena.
Sa isang iglap lamang, inakay siya ni Hesus mula sa buhay-kasalanan tungo sa buhay-kabanalan.
Subalit ang Diyos din ito ang nagpaubaya sa marami niyang tapat na alagad sa kahinaan ng kanilang nakaraan.
Tingnan na lamang si Pedro na madalas madapa.
Minsan pa nga, itinatwa niya ang Panginoon.
Gagawin ng Diyos ang anumang pinakamabuti para sa atin.
Maaaring akayin niya tayo unti-unti, paisa-isang maliliit na hakbang.
Kaya dapat maging mapagpasensya sa lahat ng tao, sa lahat ng bagay, at lalo na sa ating sarili at sa Diyos.
Sa buong maghapon pagnilayan:
MAKAPAGHIHINTAY ANG PAGIGING PERPEKTO NATIN
–>