Home » Blog » MGA MABILISANG NOBENA (SA LOOB NG ISANG ARAW LAMANG)

MGA MABILISANG NOBENA (SA LOOB NG ISANG ARAW LAMANG)

A. ANG DAGLIANG NOBENA NI SANTA MOTHER TERESA NG CALCUTTA

Nakaugalian na ni Mother Teresa at ng mga madre ng kanyang kongregasyon, ang Missionaries of Charity, na magsagawa ng nobena bahagi ng kanilang debosyon lalo na sa mga iba’t-ibang pangangailangan. Ginagawa ang mga ito sa loob ng siyam (9) na araw. Subalit sa dami ng mga panalangin na inilalapit noon sa kanya at sa sobrang pagka-abala niya sa kanyang mga gawain at paglalakbay, nag-imbento si Mother Teresa ng tinatawag niyang “Mabilisan” o “Dagliang” Nobena kung saan ang mga panalangin ay gagawin, hindi sa loob ng 9 na araw,  kundi sa loob lamang ng isang maghapon.

Paborito ni Mother Teresa na gamitin bilang Dagliang Nobena ang panalangin sa Mahal na Birheng Maria na tinatawag na Memorare (Alalahanin Mo). Dadasalin ito ng 9 na beses para sa natatanging kahilingan. At dadagdagan pa ng 1 beses bilang pasasalamat. Kaya 10 beses dadasalin ang panalanging ito sa buong maghapon para sa natatanging kahilingan.

Sa pagno-nobena, hindi sinasabing tiyak na matatanggap mo ang anumang iyong kahilingan. Subalit naniniwala ang bawat Katoliko na sa tulong ng nobena, tinutugon ng Diyos ang ating mga panalangin, sa paraan at sa panahong ang Diyos mismo ang nagtatakda. Ang nagno-nobena ay nagtitiwala sa pagmamahal at pagkalinga ng Diyos sa kalagayan ng kanyang mga anak.

Narito ang paboritong “Dagliang Nobena” ni Santa Mother Teresa ng Calcutta:

ANG MEMORARE (TAGALOG)

Alalahanin mo, O lubhang pinagpalang Birheng Maria,

Na kailanma’y hindi nabatid

Na sinumang humiling na iyong alagaan,

Nagsumamo na iyong tulungan,

O humingi na iyong ipanalangin

Ay bigong lumisan.

Puspos nitong lakas ng loob,

Dumudulog ako sa iyong harapan,

O Birhen ng mga birhen, aking Ina.

Sa iyo ako lumalapit, nakatayo sa iyong harapan,

Batbat ng kasalanan at kapighatian.

O Ina ng Salitang nagkatawang-tao,

Huwag nawang siphayuin ang aking mga kahilingan,

Kundi sa iyong habag

Ako ay dinggin at tugunin. Amen.

At sa wikang Ingles:

Remember, O most gracious Virgin Mary, that never was it known that anyone who fled to thy protection, implored thy help, or sought thine intercession was left unaided.

Inspired by this confidence, I fly unto thee, O Virgin of virgins, my mother; to thee do I come, before thee I stand, sinful and sorrowful. O Mother of the Word Incarnate, despise not my petitions, but in thy mercy hear and answer me. Amen.

B. ANG SIYAM (9) NA ORAS NA NOBENA SA STO. NIÑO DE PRAGA

Ang isa pang daglian o madaliang nobena ay ang panalangin sa Santo Niño ng Praga na ginagawa nang siyam na beses din sa maghapon. Marami ang nakasaksi na sa kapangyarihan ng nobenang ito. Ginagawa ang nobena na taglay ang pananampalataya at pagtitiwala sa Panginoon, na siyang inaasahang magbibigay ng pinakamabuting lunas sa kahilingan o inaasam ng nagdarasal.

Narito ang teksto ng nobena:

O Hesus, na nagsabi: “Humingi kayo at kayo’y bibigyan, humanap at makatatagpo, kumatok at pagbubuksan,” sa pamamagitan ni Mariang iyong Kabanal-banalang Ina, ako ay kumakatok, humahanap, at humihingi na ang panalangin ko ay makamtan. (banggitin ang kahilingan)

O Hesus, na nagsabi: “Anumang hingin ninyo sa Ama sa Aking pangalan, ay ipagkakaloob sa inyo,” sa pamamagitan ni Mariang Iyong Kabanal-banalang Ina, buong kababaan at marubdob kong hinihingi sa Ama sa ngalan mo na ang aking panalangin ay makamtan. (banggitin ang kahilingan)

O Hesus, na nagsabi: “Lilipas ang langit at lupa subalit ang Aking salita ay hindi lilipas,” sa pamamagitan ni Mariang Iyong Kabanal-banalang Ina, malakas ang loob kong ang king panalangin ay ipagkakaloob mo. (banggitin ang kahilingan)

PANALANGIN NG PASASALAMAT

Hesus, Banal na Sanggol, alam ko pong mahal Mo ako at hindi iiwan kaylanman. Salamat sa pagiging malapit mo sa aking buhay. Mapaghimalang Sanggol, nananalig ako sa pangako Mong kapayapaan, pagpapala, at kalayaan sa pangangailangan. Inilalagay ko sa Iyong mga kamay ang bawat pangangailangan ko at kagustuhan. Panginoong Hesus, lagi nawa akong magtiwala sa Iyong bukas-palad na awa at pagmamahal. Nais Kitang parangalan at purihin, ngayon at kaylanman. Amen.

Sa Ingles naman (bersyon mula sa www.aleteia.org:

    O Jesus, Who has said, “Ask and you shall receive, seek and you shall find, knock and it shall be opened,” through the intercession of Mary, Your Most Holy Mother, I knock, I seek, I ask that my prayer be granted.

    (Make your request)

    O Jesus, Who has said, “All that you ask of the Father in My Name, He will grant you,” through the intercession of Mary Your Most Holy Mother, I humbly and urgently ask your Father in your name that my prayer will be granted.

    (Make your request)

    O Jesus, Who has said, “Heaven and earth shall pass away but My word shall not pass away,” through the intercession of Mary Your Most Holy Mother, I feel confident that my prayer will be granted.

    (Make your request)

    PRAYER OF THANKSGIVING

    Divine Infant Jesus, I know You love me and would never leave me. I thank You for Your close Presence in my life.

    Miraculous Infant, I believe in Your promise of peace, blessings, and freedom from want. I place every need and care in Your hands.

    Lord Jesus, may I always trust in Your generous mercy and love. I want to honor and praise You, now and forever. Amen.