Home » Blog » ANG KAPANGYARIHAN NG PAGSISISI AT PAGTITIWALA SA DIYOS

ANG KAPANGYARIHAN NG PAGSISISI AT PAGTITIWALA SA DIYOS

ANG ESPIRITU SANTO: ANG KATATAGAN NATIN SA GITNA NG SPIRITUAL BATTLE

“Mababasa natin sa mga kuwento ng mga Ama sa Disyerto ang isang monghe na madalas, sa kadiliman ng gabi, ay nahuhulog sa pagkakasala sa laman, subalit sa kabila noon ay hindi siya tumitigil manalangin, at higit pa ngang nagdarasal sa bawat niyang pagkadapa.

Minsan, matapos siyang magkasala, nagsimula siyang manalangin ng liturhiya ng mga pagbasa, nang ang demonyo na “namangha sa kanyang masugid na pagtitiwala sa Diyos,” ay nagpakita sa monghe at tinanong ito kung hindi ba siya nahihiya na lumapit sa Diyos sa kalagayan niyang mahina at makasalanan.

Sumagot ang monghe: “Isinusumpa kong hindi ako mapapagod na humingi ng tulong sa Diyos laban sa iyo hanggang hindi ka tumittigil sa pagsalakay sa akin at tingnan natin kung sino ang magwawagi: ikaw ba o ang Diyos.”

Nagpatuloy ang salaysay, “At tumigil ang demonyo sa pagtukso sa kanya sa sandaling iyon, dahil nakita nitong ang tukso ay lalo pang nagpatindi ng tagumpay ng monghe.”

(Sariling salin mula sa Come, Creator Spirit ni Raniero Cardinal Cantalamessa)