PANALANGIN KAY PADRE PIO PARA SA ISANG MABILIS O DAGLIANG BIYAYA
Makapangyarihan naming Diyos, pinili mo po
si Padre Pio upang ipagkamit sa harapan
mong dakila ang aming pangangailangan at
binigyan mo po siya ng maraming kaloob ng
Espiritu.
Ginawa mo po siyang saksi kay
Kristong Nakapako sa krus, sa mga tanda sa
kanyang katawan ng nagliligtas na
Pagpapakasakit ng Iyong Anak. Ibinigay mo
po sa kanya ang kaloob na gumawa ng mga
himala at kahanga-hanga mga bagay – maawa po
kayo sa akin at itulot po ninyo na
sa tulong ng panalangin ni Padre Pio, agad
kong tanggapin ang iyong biyaya.
O Panginoong Hesus, tulungan mo po
ako na magsisi sa marami kong mga
kasalanan upang maging karapat-dapat
Sa iyong awa. O Diyos ng habag, alisin mo po
ang lungkot sa aking puso at pakinggan
ang aking pagtawag.
Padre Pio, inilalapit ko sa iyo ang aking panalangin para sa
biyayang kailangan ko at humihingi ako ng tulong mo.
Naranasan mo din sa iyong buhay ang kapaitan, kawalan,
karamdaman, kawalang-katiyakan sa kinabukasan at
kng kawalan ng pagkilala at dahil dito alam mo ang
aming nakalulunos na situwasyon.
Alam kong ang iyong puso ay nadudurog tuwing makikita
mong nagdurusa kami at nasisiphayo, kaya nga Padre Pio
narito ang kahilingang inihihingi ko sa iyo ng biyaya nang Diyos
sa lalong madaling panahon (banggitin) – hinihiling ko sa
iyong makapangyarihang pamamagitan na agad
malunasan ang aking situwasyon na nagbibigay ng
kapighatian at pagkabalisa.
O Padre Pio, pag-asa ng mga nangangailangan,
ipanalangin mo na ang aking kaluluwa ay lubos
na magtiwala sa awa ng Panginoon. Isang salita
Mo lamang ay sapat na upang kaawaan ako ng Diyos
at pakinggan.
O Padre Pio, banal sa piling ng mga tao,
Pakinggan mo ang aking paghingi ng biyaya.
Ibigay mo sa akin ang pusong nagmamahal sa kapwa.
Turuan mo akong magmahal at maging
mapagbigay sa iba na hindi umaasa ng kapalit.
Taglay ang pamimintuho sa iyo, nakaluhod ako sa
iyong harapan o aking Panginoong Diyos.
Nawa sa pamamagitan ni Padre Pio
ay ipagkaloob mo po sa akin ang biyayang aking
higit na kailangan ngayon (banggitin) lalo
na kung ito ay ayon sa iyong mga
kautusan at sa iyong Mabuting Balita.
Sundin nawa ang iyong kalooban ngayon at
magpakailanman. Amen.
Source: Tambuli ng Kagalakan youtube channel; sariling salin, ourparishpriest.com