PANALANGIN PARA SA SENADO
Panginoong Hesukristo, Prinsipe ng Kapayapaan, dalangin po namin na gabayan mo ang mga nakaluklok sa Senado ng aming bayan, upang kumatha ng mga batas na mangangalaga sa mga mamamayan at magtatalaga ng tamang paggamit ng likas naming yaman. Pagkalooban mo po sila ang karunungan na maging marunong sa pagtutuon ng panahon, kakayahan, at yaman na na dapat alagaan upang hindi masayang.
Bigyan mo po kami ng mga taong tunay na magtatanggol sa aming mga kalayaan upang mamuhay nang payapa, tahimik, may dangal, at may pananampalataya.
Mamulat nawa sila sa masamang bunga ng pagkakahati-hati sa pamumuno. Nawa sa iyong kapangyarihan, hikayatin mo po ang kanilang mga puso na maglingkod nang sama-sama na may kababaang-loob at malasakit sa mga tunay na naghihikahos, higit na nangangailangan ng katarungan, at naghihintay ng pag-unlad.
Maglingkod nawa sila sa diwa ng paninindigan at pananagutan, malayo sa pagkiling sa mga makapangyarihan, hindi nagpapalinlang sa kasinungalingan at katiwalian, at tapat na nagsasaliksik sa katotohanan.
Gabayan awa sila at himukin ng iyong Mahal na Puso na tumalima sa kalooban ng Ama at sa tawag ng Espiritu Santo. Amen.