Nagulat siguro ang Panginoon sa biglang pagbabago ng mga tao. Kanina lamang ang lahat ay sumisigaw, nagpapalakpakan, nagpupuri sa kanyang pagdating. Tapos biglang tumahimik ang lahat nang siya ay dakpin ng kanyang mga kaaway. Ang mga sumisigaw ng papuri naging mga piping saksi sa kalupitang dinanas ng Panginoon. Biglang balikwas ang mga tao, ika nga. Naduwag ka din bang magpakita ng pagdamay sa mga tao sa buhay mo na dumadaan sa paghihirap at suliranin? Masarap kasi makisama kapag panay sarap at ginhawa ang pagsasaluhan. Pero ang hirap makidamay kung pighati, karamdaman, kahirapan at problema ang pag-uusapan. Ngayong Domingo de Ramos, Linggo ng Palaspas, sino kaya ang mga taong nais ng Panginoon na damayan mo sa kanilang paghihirap? Baka may mga taong nakalimutan kang kumustahin man lamang? Bagamat nasa loob ka lang ng bahay, ano kaya ang magagawa mo upang palakasin ang loob ng isang kaibigan o kamag-anak o kasama sa trabaho na dumadaan sa pagsubok?
Panginoon, iligtas mo po ako sa virus ng pagsasawalang-bahala sa kapakanan at pagdurusa ng iba… Gawin mo po akong mapagmalasakit at mapagkalinga sa pamilya at kapwa.
Maraming pagkakakatulad ang sampung babae sa talinghaga ngayon. Lahat sila ay dalaga. Lahat ay naanyayahan sa kasalan. Kapwang may dala silang ilawan. Sama-sama ding nakatulog sa paghihintay sa lalaking ikakasal. Parang isang section ito…
The ten women in today’s Gospel parable have much in common. They were all virgins. They were all invited to a wedding feast. They all had lamps. They all fell asleep while waiting for…
Isang matandang pari ang nagtulak sa akin na sumulat ng bagong aklat tungkol sa mga santo dahil ang kaisa-isang aklat sa Tagaloy ay lumang edisyon na. Nagsulat ako ng apat na volumes dahil dito.…
Read more 2 min read
Need a prayer?
a prayer request
Let us pray for you.
For yourself, a loved one, or someone who is sick or has passed. Father will remember it in prayer and at Mass.
Your prayer request has been sent.
Father will remember your intention in prayer and at Mass.